HomeTrending1 Million pesos, Natanggap ng Isang Ina ngayong Mother's Day Bayan News...

1 Million pesos, Natanggap ng Isang Ina ngayong Mother’s Day Bayan News May 15, 2023 viral

Published on

spot_img



Mapapasana all ka nalang talaga sa isang ina na sinurpresa ng kaniyang asawa ng bulaklak na gawa sa limpak limpak na isang libong piso (P1000) nitong dumating na Mother’s Day.

Ifinlex Roviedelia Soriano-Villena sa kaniyang Facebook Account ang natanggap niyang regalo ngayong Mother’s Day.


Ayon sa kaniya ay inis ang naging una niyang reaksyon ng makita ang regalong bulaklak ng kaniyang asawa, dahil mistula itong ”koronang bulaklak” na para sa mga patay, ngunit pagtingin niya kulay blue ito at kakaiba.
“Kaya lang pagtingin ko, kulay blue pala, l*ngya, pinangawa mo pa ako sa dami ng tao,” ani Roviedelia nang makita na money bouquet ang regalo ni Macky.

Hindi umano niya ine-expect na may ganitong mga pakulo ang kaniyang asawa dahil hindi daw siya binabati nito at iginitna pa ang kanilang anak sa pagtulog, hindi niya mawari kung ano ang nangyayari sa kaniyang asawa.

“Iiyak na sana ako kasi hapon na dipa ako binati ng mister ko, wla din kahit maliit na bulaklak tapos kagabi di pa tumabi sa kin, ginitna pa c Amari, akala ko ano problema, magdamag ako di nakatulog kung ano nangyayare sa asawa ko bakit ganun,” aniya.


“Tapos nauna magtanghalian di ako tinawag, ang sama sama tlga ng loob ko, tas 1pm na sabi nya kain nlng daw kami sa labas, sabi ko cge, di baleng wala ng gift basta maramdaman ko man lang na special ung araw na to para sa aming mga nanay, yun pala may pasurprise ang kagwang, pinapaiyak lang talaga ako,” dagdag pa nito.



Narito ang buong post ni Roviedelia.

THANK YOU hubby sa 1Million CASH Bouquet.
magagalit na sana ako kasi bakit may bitbit kang corona eh buhay pa ako, kaya lang pagtingin ko, kulay blue pala, langya, pinangawa mo pa ako sa dami ng tao.
iloveyou so so much, thank you sa surprise.
iiyak na sana ako kasi hapon na dipa ako binati ng mister ko, wla din kaht maliit na bulaklak tapos kagabi di pa tumabi sakin, ginitna pa c amari, akala ko ano problema, mgdamag ako di nakatulog kung ano nangyayare sa asawa ko bakit ganun. tapos nauna magtanghalian di ako tinawag, ang sama sama tlga ng loob ko. tas 1pm na sabi nya kain nlng daw kami sa labas, sabi ko cge, di baleng wala ng gift bsta maramdaman ko man lang na special ung araw na to para sa aming mga nanay. un pala may pasurprise ang kagwang, pinapaiyak lang talaga ako.
HAPPY MOTHER’S DAY PO SA LAHAT..
special thanks to You’re Worthy for this flower cash bouquet for a job well done.. buo ang 1M walang bawas..
and sa restaurant na umiikot habang kumakain kami.
#unexpectedsurprisegift
#1millionCashBouquet


Latest articles

More like this