HomeTrending1-MILLION PESOS ! Para sa 1 yr old Baby !

1-MILLION PESOS ! Para sa 1 yr old Baby !

Published on

spot_img


Aabot sa P1 milyon ang kapa ng pinagdugtong-dugtong na P1,000 bills ang ipinasuot sa batang babae na taga-Jordan, Guimaras sa unang kaarawan nito.

Disney Princess ang theme ng birthday ni Adeena Mazikeen Co pero nawindang ang mga bisita nang ipasok ang may kaarawan na ang suot na kapa ay ilang yarda ng puro tig-iisang libong piso nito lamang March 5.

Sa isang panayam, sinabi ng ina ni Adeena na si Faith Co, na habang pinagbubuntis pa lamang niya ito ay pinapangarap na nila sa kanilang anak ang isang bonggang first birthday.


Aniya pa, pinag-ipunan din nila ng asawa ang regalo nilang P1 milyon sa anak.

Mayroong poultry farm at fuel retailing business ang mag-asawa, hanggang sa unti unti nilang naipon ang target na regalo para kay baby Adeena.


“It was not an easy task to save up for that amount of money, but we stayed focus on our goal to provide the best future for our daughter,” saad ni Co.



Ang tanging goal lamang nila, dagdag ni Faith, ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak.

“We are just proud to show everyone that with hard work, they can achieve their goals. And our main goal is to give the best future for our baby,” dagdag niya.

Itatabi naman umano ng mag-asawa ang halaga ng pera para sa magandang future ng kanilang mahal na anak, gagawin din nila ang lahat para sa kanilang baby Adeena.


“Other people may have their own opinions on this, and that’s fine, but for us, we are proud parents who want to show our love to our daughter by giving her a bright future ahead,” saad ni Co.


Latest articles

More like this