HomeTrending10 May Pinakamagagandang Mga Mata Sa Buong Mundo

10 May Pinakamagagandang Mga Mata Sa Buong Mundo

Published on

spot_img



10 May Pinakamagagandang Mga Mata Sa Buong Mundo

10 May Pinakamagagandang Mga Mata Sa Buong Mundo

Sampung pinakamagagandang mga mata sa buong mundo, ’yan ang  paksang tampok na tatalakayin natin ngayon.

Ayon sa kasabihang mula kay Henry David Thoreau, “eyes are the jewels of the body”. Ang mga mata ay isang napakagandang bahagi ng katawan natin na talaga namang nagpapakita ng iba’t ibang interpretasyon sa ating pagkatao.


Madalas ay dito rin unang makikita ang ating emosyon. Kaya nga maraming mga aktor ang gumagamit nito bilang kanilang ‘asset’ sa pag-arte. Dahil d’yan ay marami rin ang naku-curious kung sino-sino nga ba ang mga taong nagtataglay ng pinakamagagandang mata sa buong mundo, at sa videong ito ay tatalakayin natin ang sampu sa kanila!


1. Angelina Jolie

Ang sikat na aktres na ipinanganak noong June 4, 1975, sa Los Angeles USA. Ang aktres ay hindi lamang kilala sa pagkakaroon ng kamangha-manghang mukha at nakaaakit na pares ng mga labi. Siya rin ang nagmamay-ari ng isa sa pinakamagagandang asul na mata sa mundo, na itinuturing din bilang isa sa sexiest eyes in the world.


Ang kaniyang mga mata ay walang pagdududang nakakakuha ng maraming damdamin, lalo pa at isa ito sa ginagamit niyang asset sa pag-arte. Ito rin ang isa sa pinakahinangaan ng kaniyang fans, na talaga namang hanggang ngayon ay sumusuporta sa kaniya.


2. Aishwarya Rai Bachchan

Isang aktres na ipinanganak noong November 1 ng taong 1973 sa Mangalore, Karnataka, ng bansang India, na nakakuha ng maraming beauty titles dahil sa pagkakaroon niya ng isa sa pinakamagandang mga pares ng mata sa mundo.


Sa katunayan, matapos pa nga niyang masungkit ang korona sa Miss World noong 1994, ang magandang mukha ni Aishwarya, lalong-lalo na ang magandang pares ng kaniyang mga matang kulay maberdeng asul o blue-green, ay ang siyang naghatid din sa kaniya ng pagkakataon upang tawagin siyang “tulip of the world”.


3. Amber Heard

Bagama’t matunog ang pangalang ito sa panahon ngayon, hinding-hindi maitatanggi ng lahat na siya ang nagtataglay ng pinakamagandang mukha sa mundo—hindi galing sa opinyon ng tao, kundi sinabi ’di umano mismo ng siyensiya. Ayon kasi sa tinatawag na ‘golden ratio of beauty’ ay siya raw ang may pinakaperpektong mukha sa buong mundo.


Kalakip nito, ang pagkakaroon din niya ng magagandang mga mata mula sa hugis at kulay nito! Sabi pa nga sa isang artikulo, sa isang tingin lamang daw ni Amber Heard ay kaya niyang kunin ang loob ng kung sino, nang ganoon lamang kabilis.


4. Gigi Hadid

Isang sikat na modelong mula sa Los Angeles, USA, na ipinanganak noong April 23, 1995. Hindi na kailangan pang ipaliwanag kung bakit napasama siya sa listahang ito, dahil sa pagtingin pa lang sa kaniyang mga litratong nagkalat sa internet ay masasabi mo na kung gaano kaganda at kamangha-mangha at nakabibighani ang kaniyang mga matang kulay maberdeng asul din.


5. Mila Kunis

Isang sikat na aktres na nakilala sa hit TV series na ‘That ’70s Show’ noong siya ay labing limang taong gulang pa lamang. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na dumaranas din siya ng heterochromia—isang kondisyong nagbibigay sa kanya ng pagkakaroon ng dalawang magkaibang kulay na mata. Ang kanyang kaliwang mata ay isang makulay na berde, samantalang ang kanyang kanang mata naman ay mas maitim, o halos maging kulay brown na.


Bukod doon ay iba pang issue sa paningin ang kaniyang pinagdaraanan. Sinasabing pinaopera pa raw niya ang kanyang mga mata para sa corrective vision. Ganoon pa man, hindi pa rin maitatanggi ang katotohanang ang aktres ang isa sa may pinakamaganda at naiibang mga mata sa buong mundo.


6. Adriana Lima

Isang modong mula sa Salvador Bahia ng Brazil na ipinanganak noong June 12, 1981. Nakabibighani, mahiwaga at tila napakalalim ng kaniyang mga matang kaakit-akit na tila ba sumisimbolo sa kaniyang pinanggalingan…ang brazilian coastline. Kaya naman dahil doon, sa edad na 36, ay isa Adriana Lima sa longest serving Victoria’s Angel, at ang mukha ng ilan pang mga sikat na brands ’tulad ng Maybelline.


7. Charlize Theron

Ng Benoni, Gauteng, South Africa na ipinanganak noong August 7, 1975. Nagsimula siyang magtrabaho bilang isang modelo, at dahil sa pagkakaroon niya ng malakas na personalidad, mga award-winning performances, at ang kaniyang magagandang mga matang kulay berde, siya ay naging isa sa pinakahinahangad at pinakapinag-aagawang aktress sa holywood.


8. Megan Fox

Ipinanganak noong May 16, 1986 sa Tennesse, USA. Bagama’t kilala ang sikat na aktres dahil sa pagkakaroon niya ng magandang mukha at oozing personality, hindi naman maikakaila na ang kaniyang deep blue eyes ay maituturing isa pa sa pinakamagagandang mga mata sa mundo. Sa katunayan ay maraming nagsasabi na ito raw ang unang napapansin nila sa aktres dahil animo kaya niyang kunin at tunawin ang puso ng mga tao, lalo na ng kaniyang fans, sa isang tingin niya pa lamang.


9. Margot Robbie

Ng Dalby Australia na ipinanganak noong July 2, 1990. Nagsimulang tahakin ng blue-eyed beauty na ito ang pagiging artista sa pamamagitan ng mga Australian Indie Films. Pagkatapos n’on ay nagsimula na rin siyang maging bahagi ng iba’t ibang soap opera kung saan mas marami siyang nabighaning fans, dahil na rin sa kaniyang kaakit-akit na pares ng mga mata na sinasabing maituturing din bilang one of the sexiest eyes in the world.


10. Emma Stone

Ipinanganak noong November 6, 1988, sa Arizona, USA —one of the highest paid actress in the world, na mayroong Academy, Bafta at Screen Actor Guild Awards, dahil sa kaniyang pagiging mahusay at sa pagkakaroon na rin niya ng isang natatanging asset—ang kaniyang magagandang pares ng mga mata. Mayroon itong rare shade of green color na hinaluan pa ng hazel brown sa bandang pupil ng kaniyang mga mata na talaga namang nagpapa-unique sa kaniya!

May kilala ka bang mayroong magagandang pares ng mga mata? I-mention na ’yan sa comment section ng artikulong ito.


Latest articles

More like this