HomeTrending102-anyos na Lola, higit 100 na ang apo; nakatanggap ng P100,000 Cash...

102-anyos na Lola, higit 100 na ang apo; nakatanggap ng P100,000 Cash Incentives

Published on

spot_img



Lola mula sa Lubao, Pampanga umabot sa edad na 102 taon, nakatanggap din siya ng P100,000 halaga ng cash incentives.

Nananatiling malakas at nakakalakad pa si Lola Leonora Ibay, kahit na wala siyang iniinom na mga maintenance na gamot.

Si Lola Leonora ay mayroon ng isang daang (100) mga apo mula sa higit labing dalawa (12) niyang anak.


“Ewan ko bakit hindi ako tumatanda. Nasa Diyos ‘yan at sa mga bata, sa mga anak ko,” saad ni Lola Leonora.

Susi raw ng magandang kalusugan ng kanilang ina ang kanilang kalinga at pagmamahal, paliwanag ng kaniyang mga anak.


 

 

“Siyempre noong maliit kami siya ang nag-alaga, tapos papabayaan mo ‘pag tumanda? Hindi maganda yun,” saad ng anak ni Lolo Leonora na si Aurora Ibay.

Si Lola Leonora Ibay ay isa rin sa mga naitakdang pinaka matandang kapampangan.


Ipinagkaloob kay Lola Leonora ang cash incentive na nagkakahalagang P100,000, na ibinibigay ng national government sa mga centenarian bilang tulong pinansiyal para sa kaniya.

Ito umano ang paraan ng provincial government ng Pampanga upang magpasalamat sa mga naging kontribusyon ng mga senior citizens na may edad 95 pataas.


Si Apong Leonora Ibay ang ika-784 na citizen 2015 na nakatanggap ng cash incentive na laan ang mga edad 95 sa Pampanga. Alinsunod its sa Provincal Ordianance No. 683 at Republic Art No. Centenarian Act of 2016.


 

Ipinangak si Lola Leonora Ibay noong May 20, 1920, tubong Barangay Santiago sa bayan ng Lubao, Pampanga, panganay sa magkakapatid at maagang na byuda kaya naman siya na ang nagtaguyod sa kaniyang mga anak.


Latest articles

More like this