HomeTrending84-Anyos na Lola, Sinunog nang buhay ng kanyang sariling mga apo

84-Anyos na Lola, Sinunog nang buhay ng kanyang sariling mga apo

Published on

spot_img



Isang 84-anyos na lola ang patay matapos umanong sunugin nang buhay ng kanyang sariling pamilya sa Balingasag, Mi­samis Oriental, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa awtoridad, inihagis sa naglalagablab na apoy ang biktimang si Teofila Camungay ng kanyang mismong mga anak at apo. Siya ay nagtamo ng third degree burn na sanhi ng kanyang kamatayan.




Base kay Maj. Teodoro de Oro, hinihina­lang kasapi ng kulto ang mga suspek at biktima. Sinabi ni Oro na lumalabas sa imbestigasyon na sinisisi ng kanyang pamilya ang biktima sa kanilang paghihirap.


“Sabi ng isang suspek, matindi raw ang kanilang galit sa biktima dahil siya umano ang dahilan ng kanilang paghihirap sa buhay. Tutol din ang biktima na kilalaning lider ng grupo ang isa sa kanyang mga apo,” pahayag ni De Oro.


Sa ngayon, nahaharap ang 11 kaanak ng biktima sa kasong parricide dahil sa pagkasawi ng matanda.
Nagtamo third-degree burn nang sunugin ng kanyang sariling pamilya sa Balingasag, Misamis Oriental.
Ayon sa awtoridad, hinagis sa apoy ang biktimang si Teofila Camungay ng kanyang mga anak at apo.
Base kay Maj. Teodoro de Oro, hinihinalang kasapi ng kulto ang mga suspek at biktima.



“Sabi ng suspek, matindi daw ang kanilang pagtampo sa biktima dahil siya umano ang dahilan ng kanilang paghihirap sa buhay. Tutol rin ang biktima na kilalaning lider ng grupo ang isa sa kaniyang mga apo,” pahayag ni De Oro.



Latest articles

More like this