HomeTrending18-anyos na tindera, inagaw ang baril at hinabol ang holdaper ng pinapasukang...

18-anyos na tindera, inagaw ang baril at hinabol ang holdaper ng pinapasukang burger store

Published on

spot_img


Sa anomang oras at panahon, hindi talaga mawawala ang mga masasamang loob sa ating lipunan. Kahit ang mga maliliit na negosyo ay kanilang pinapatulan.

Ang dahilan ng mga kawatan ay ang kahirapan umano ng kanilang buhay kahit na maaari naman silang maghanap ng marangal na trabaho.



Samantala, isang netizen mula sa Baguio City ang umani ng papuri at paghanga matapos nitong palagan ang nanloob sa pinapasukan niyang burger store.

Bukod sa nabawi niya ang perang ninakaw, nagawa pa niyang agawin ang baril na gamit ng kawatan.


Kinilala ang tinaguriang real life Darna na si Erica Perez, 18-anyos na dalaga.

Kuha sa video ang lalaking nagpanggap na customer habang nakasuot ang helmet. Nakipag-kwentuhan pa raw ito kay Erica habang nagmamasid-masid.

Maya-maya ay bigla nalang itong pumasok sa loob ng store at pilit kinukuha ang pinagbentahan sa kaha.


Matapang namang lumaban si Erica at pilit na nakipag-agawan ng baril sa kawatan.

Nang maagaw ng dalaga ang baril ay kumaripas ng takbo ang lalaki. Hinabol naman ito ni Erica.

 


Pagbalik ng dalaga, dala na nito ang dalawang libong tinangay ng holdaper.

Aniya, hindi siya nagdalawang isip na pumalag dahil ang burger store na iyon raw ang unang tumanggap sa kanya sa trabaho.

“Siguro adrenaline rush din po, tsaka iniisip ko po e hindi naman doon matatapos ‘yung buhay ko nang hahayaan ko lang siya na kung anong gawin niya,” sabi ni Erica.


Hindi na rin daw pumasok sa isip niya baka mapahamak siya sa paglaban sa holdaper.

“Ang nasa isip ko na lang po e basta makuha ko ‘yung baril tapos mabawi ko po ‘yung pera. Tinitignan ko po ‘yung binti nya e, mas malaki po ‘yung hita ko kaysa sa kanya eh,” sabi ng dalaga.


Napag-alaman namang laruan lang pala ang dalang baril ng holdaper.

Samantala, agad namang nahuli ang lalaki at kinilalang si Marbee Clareta.

 

advertisement


 

Latest articles

More like this