HomeTrending5 Magkakapatid Nalason, Matapos Kumaen ng Inihaw na Palaka

5 Magkakapatid Nalason, Matapos Kumaen ng Inihaw na Palaka

Published on

spot_img


Nasawi ang isang 5 taong gulang na batang lalaki habang nasa hospital naman ang apat pa niyang mga kapatid, matapos kumain ng niluto nilang palaka at nilagang kamoteng kahoy nito lamang Miyerkules, Mayo 10, sa Dipolog City.

 Ang mga biktima ay mula sa isang mahirap na pamilyang Galleposo, kung saan parehong walang permanenteng trabaho ang mga magulang nilang sina Tito at Flordelisa.


Mismong ang mga lokal na opisyal at mga kawani ng Dipolog City Disaster Risk Reduction and Management Office, kasama ang mga miyembro ng Dipolog City Police Station, ang nagpatunay sa pangyayari na nagulat ang mga residente ng lungsod. Wala roon ang mga magulang ng mga bata nang mangyari ang insidente.

Nahuli raw ang mga palakang kinain ng mga bata sa paligid lamang ng kanilang bahay upang gawing ulam sa kanilang nilagang kamoteng kahoy Nadatnan na lamang ng mag asawa ang kanilang 5 mga anak na nanghihina, halos hindi na makabangon at sumusuka.


Ang tahanan ng mga biktima ay malayo sa mga kapitbahay, matatagpuan ito sa isang mataas na lugar sa Purok Piña sa Barangay Dicañas sa Dipolog City. Naunang namatay ang pinakabunso sa limang magkapatid bago pa man makarating ang kanilang mga kapitbahay at mga miyembro ng media sa Dipolog City na tumulong sa pagdala ng mga biktima sa ospital.
Tiniyak naman ng tanggapan ni Dipolog Mayor Darel Uy na magbibigay ng suporta ang lokal na pamahalaan sa apat na miyembro ng pamilya Galleposo na naka-confine ngayon sa isang ospital.


Latest articles

More like this