HomeTrending64-anyos na Lolo, Nainlove sa 18-anyos na Dalaga sa Davao De Oro...

64-anyos na Lolo, Nainlove sa 18-anyos na Dalaga sa Davao De Oro !

Published on

spot_img


Ayon nga sa kasabihan ay “Age doesn’t matter” pag dating sa pag ibig. Katulad na lamang ng kwento ni Lolo Romeo at ang kasintahan nito na si Valentina, sa Monkayo, Davao De Oro., natampok ang kanilang kwento sa KMJS nito lamang linggo.


Si Lolo Romeo ay 64 taong gulang na nainlove sa 18 taong gulang na dalaga, paggawa ng mga sapatos ang trabaho ni Lolo Romeo, wala siyang asawa at mga anak, hanggang sa kaniyang pagtanda ay wala siyang kasama sa buhay. Ngunit nagbago ang lahat ng makilala niya si Valentina.

Si Valentina ay isang 18 taong gulang na dalaga, nagkaroon na siya ng 3 nobyo ngunit hindi rin nagtagal dahil sa mga wala itong trabaho.





Napahanga si Valentina kay Lolo Romeo dahil sa sipag nito sa trabaho at sa pagiging sobrang maalaga.Unang kita pa lamang daw at nainlove na agad si Lolo Romeo kay Valentina, hindi na rin daw siya makatulog sa kakaisip sa dalaga.



3 Linggong nanligaw si Lolo Romeo kay Valentina, binibilhan niya ang dalaga ng pagkain, tulad ng softdrinks at tinapay, binibigyan din niya ito ng bulaklak, dahil dito ay lubos na nahulog si Valentina, kinikilig daw siya kapag nakikita si Lolo Romeo.

Ayon pa kay Valentina ay ayos lang sa kaniya kahit matanda na, alam rin niya na siya ang unang naging kasintahan ni Romeo at kinikilig din siya dahil doon. Tanggap din naman si Lolo Romeo ng pamilya ni Valentina, ang mahalaga sa kanila ay mamahalin ang kanilang anak.


Wala rin daw siyang paki alam sa sasabihin ng ibang tao, ang mahalaga ay nagkakaintindihan at nagmamahalan silang dalawa.



Sa ngayon ay nagsasama na sa isang bubong sina Valentina at Lolo Romeo, sumama rin siya sa trabaho ni Lolo Romeo upang hindi siya maboring sa kanilang bahay, makasama at makatulong din siya sa kaniyang kasintahan.

P300 pesos ang kinikita nila kada araw malaki pa raw ang kanilang iipunin para makapag pakasal sila, ayos lang sa kanila ito dahil hindi naman daw sila nagmamadali, ang mahalaga ay magkasama silang dalawa.


Latest articles

More like this