HomeTrending8-anyos na bata, Mag-isang inaasikaso ang kaniyang may sakit na ina at...

8-anyos na bata, Mag-isang inaasikaso ang kaniyang may sakit na ina at 4 na nakababatang kapatid.

Published on

spot_img



Sa murang edad na 8 taong gulang, ang batang kinilalang si Jenny Barobo na, ang halos tumatayong pangalawang magulang sa kaniyang mga kapatid.

Dahil sa may sakit ang ina nito, siya na ang gumagawa ng halos lahat ng gawaing bahay, maging ang pagpapakaen sa kaniyang nanay, dala ng kahirapan nitong kumilos.


Ganun din ang ginagawa ni Jenny sa kaniyang mga nakababatang kapatid, kasama na ang pagaaruga sa mga ito. Ayon sa tindera ng tindahan kung saan naabutan si Jenny na nangungutang ng kape at asukal, ay minsanan lang kung magkatrabaho ang kaniyang ama.


Pumapalaot ito para mangisda, ngunit minsan ay wala ring huli kaya wala rin itong kita na naiuuwi para sa kaniyang pamilya. Ang kape at asukal na inutang ni Jenny ang siyang pagkain ng kaniyang gutom na gutom na ina.


Bukod rito ay madalas din daw umutang si Jenny ng gatas at uling pero halos walang paring makain ang pamilya sa araw-araw, dahil na rin sa hindi na nagagawa pang makapagtinda ng isda ang kaniyang ina.


Tinulungan ng nakasaksi sa sitwasyon nila Jenny na mabayaran ang utang nito sa tindahan at binigyan pa ng limang sakong bigas na lubos na ikinatuwa ng pamilya.



Naiyak na lamang ang ina nito habang nagpapasalamat dahila aniya, ay ngayon lang sila nagkaroon ng ganito karaming bigas.



Marami ang nag nanais na magpaabot ng tulong kay Jenny kaya naman nagbigay ng detalye sa kaniyang YouTube channel, ang video uploader na si Virgelyncares 2.0 kung papaano ito maipaparating sa pamilya.


Latest articles

More like this