HomeTrending83-anyos na ina, todo kayod mairaos lang ang pang araw-araw nila ng...

83-anyos na ina, todo kayod mairaos lang ang pang araw-araw nila ng kaniyang anak na may kapansanan

Published on

spot_img


Sabi nga ng karamihan, ang pagiging isang ina ay may kaakibat na pagsasakripisyo. Bukod sa hirap ng pagdadalang tao at panganganak hanggang sa pagtataguyod ng kanilang magiging mga anak.


Kaya nilang ibigay ang walang kapantay na pagmamahal at kaya nilang tiisin ang lahat ng pasakit para sa kanilang mga supling ng walang hinihiling na kapalit.


Ang mga katangiang ito ay tinataglay ng isang 83-anyos na inang si Jacinta Balagtas o “Nanay Sinta”.
Marami ang humanga at naantig sa kaniyang kwento ng pagsisikap para sa kaniyang anak na may kapansanan.


Bagamat may edad na ay hindi alintana ni Nanay Sinta ang hirap at bigat ng kaniyang hanapbuhay.

Tulak tulak ang kaniyang mabigat na kariton, sinusuong nito ang masisikip at malulubak na looban ng Navotas upang magtinda ng gulay at kumita ng kakaunting pera para sa kanilang mag-ina.


Ang kaniyang anak na si Kristina ay bulag kaya hindi na nito magawang makatulong pa sa paghahanap buhay ng kaniyang ina.

Alas-4 pa lang ng umaga ay nagsisimula na ang araw ni Nanay Sinta. Mamimili ito ng gulay sa Divisoria na siya naman nitong ilalako sa kanilang lugar dakong alas 7 o alas 8 ng umaga.

Binabaliwala nito ang matinding sikat ng araw, maibenta lang ang kaniyang mga paninda at umaasang makapaguwi ng kaunting barya.


Sa araw araw na ginagawa ito ng matanda ay kumikita ito ng P200 hanggang P300 piso, na siya namang pagkakasyahin niya para sa lahat ng gastusin nila ng kaniyang anak na si Kristina.


Madalas ng may iniindang sakit si Nanay Sinta ngunit tuloy pa rin siya sa pagkayod at pagbabanat ng buto.
Ayon sa kaniya, bukod daw kay Kristina ay mayroon pa siyang ibang anak sa probinsya.


Ngunit sa halip na humingi ito ng tulong sa kaniyang mga anak na may kanya-kanya na ring pamilya ay iniisip pa nito ang kanilang kalagayan.



Ayaw niyang maging dagdag pa siya sa problema ng kaniyang ibang mga anak.

“Hangga’t magagawan ko ng paraan ang kabuhayan naming mag ina, gagawa ako ng paraan.”

Tanging hiling nito ay magkaroon ng mahaba pang buhay para maalagan at hindi niya maiwanan ng nag iisa, ang kaniyang may kapansanang anak na si Kristina.


 

advertisement


 

Latest articles

More like this