HomeTrending83 taong gulang na lola, humingi ng P5 sa isang Grab rider...

83 taong gulang na lola, humingi ng P5 sa isang Grab rider pambili ng kanyang almusal

Published on

spot_img


Isang Grab delivery rider ang nagbahagi ng kanyang makabagbag damdaming engkwentro sa isang 83 taong gulang na matandang babae habang nagpapahinga ito.

Kwento ng Grab rider, na isa ring vlogger at kilala bilang Denso Tambyahero nilapitan sya ng 83 anyos na lola at nanghihingi ito sa kanya ng P5 para ipambili nya umano ng pagkain dahil hindi pa ito kumakain. *

Labis na naawa ang naturang vlogger at Grab rider sa kalagayan ng matanda kaya di na sya nag-atubiling abutan ito ng isang lata ng biskwit at P500.00.

Ayon sa lola, mula nang yumao ang kanyang asawa ay nag-iisa na lang sya naninirahan sa kanialng bahay matapos layasan na sya ng kanyang mga anak.


Nais pa sanang ipahatid sa tricycle driver ang matanda ngunit ayon sa tricycle driver ay kilala nya ito at taga iskinita lang nakatira ang matanda na di kalayuan sa kanilang kinatatayuan.

Di pa kumbinsido si Denso at kanya pang sinundan ang matanda na saktong nakaupo at kausap ang isang kapitbahay na binubuksan na ang biskwit na bibigay nya sa matanda.

 

Muli pang kinausap ni Denso ang matanda maging ang lalaki at napag-alaman nya na Mary ang pangalan nito at ito nga nya na may mga anak ngunit hindi na ito inaasikaso. *

Screencap photos from Youtube@DensoTambyahero


Laking  pasasalamat ng lola sa rider at sinabing pagpalain nawa sya ng Panginoon at ipagdarasal niya ito.

Dagdag pa ni lola Mary, may mga nag-aabot naman daw ng tulong sa kanya at agad daw siyang pumupunta sa simbahan para ipagdasal ang mga ito.

Naluluha namang ikwinento ni lola Mary ang tungkol sa kanyang buhay at ramdam ang kalungkutan nito sa kanyang buhay.

Maraming netizens ang nahabag sa istorya ni lola ng mapanood nila ang video na inapload ni Denso sa kanyang vlog. Bumuhos ang komento at reaksyon ng mga netizen sa matanda, narito ang ilan:

“Nadurog ang puso ko ng makita ko ganyan si Lola. Sana nmn sa mga anak nya pangalagahan nyo mga magulang nyo.” 

“Wawa naman walang kwetang MGA anak ang isipin mo na Lang Hindi ka nagging tao kung wala sya.”

“Nakakalungkot naman na may mga anak na bigla na lang iiwan ang mga magulang nila. Ang malas mo nay mo sa mga anak. BTW, Happy mothers day po” *

Screencap photos from Youtube@DensoTambyahero


Latest articles

More like this