HomeTrendingAJ Raval, Nagtapos ng High School

AJ Raval, Nagtapos ng High School

Published on

spot_img



Binati ng publiko si AJ Raval sa pagtatapos nito sa senior high school at sinabing huwaran ang aktres sa mga kabataan.

Nitong Biyernes ay ibinahagi ni AJ ang kanyang graduation photos at ibinalitang nagtapos siya sa ilalim ng Alternative Learning System ng Department of Education.
“Congratulations po sa ating lahat ALS Learners,” aniya.
Nag-thank you rin siya sa kanyang guro dahil sa “pagtitiyaga sa amin hanggang dulo.”


“At sa pamunuan po ng ALS San Fernando Pampanga Division…maraming salamat po sa inyong adbokasiya at mabuhay po kayo,” dagdag niya.
Pinuri naman ng netizens ang aktres sa pagpupursige nitong matuto.

“Nae-encourage na sila mag aral mga artista.. good influence sa kanila yung mga ibang aritsta na nagpopost na naka graduate.”

“Bagay kay AJ yung ganyan parang simpleng estudyante lang. Unang labas nya kasi sa showbiz parang sexy star na agad kaya yung bloom ng kabataan nya parang di na napansin ng tao. Ngayon mas maganda yung awra nya na ganyan.”


Latest articles

More like this