HomeTrendingAlagang aso, ibinuwis ang buhay para mailigtas ang batang amo mula umano...

Alagang aso, ibinuwis ang buhay para mailigtas ang batang amo mula umano sa pagkaka-kuryente.

Published on

spot_img


Labis na kalungkutan ang hatid ng mga larawang ito sa social media na sadyang nagpaluha sa maraming netizens. Isang aso kasi ang makikita sa litrato na nakahandusay habang kagat kagat ang tila isang kawad ng kuryente.

Base sa naturang post, ang nakunang aso raw ay ibinuwis ang kanyang buhay para sa batang amo na sinabing natagpuang nakukuryente.


 

 

Kwento ng netizen na kapatid umano ng biktima ay naghahanda raw sila ng nakababatang kapatid nito para sa lamay ng kanilang namayapang ina. Ngunit sa ilang saglit ay nagulat ito ng biglang sumigaw ang kanyang batang kapatid.
Nang makita ay tangan tangan na raw nito ang isang livewire, nakukuryente na siya! Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya malaman ang kanyang gagawin, marahil ay nataranta at balisa pa ang mga ito dahil sa kamamatay lang ng kanilang ina.

Wanna Fact PH | Facebook


 

Ngunit ilang segundo lang daw ay kumakaripas na papalapit ang kanilang aso upang iligtas ang kanyang amo.
Base sa kuha na mga litrato ay tila sinunggaban ng nagpaka bayaning aso ang kawad ng kuryente na sinasabing nagphamak sa amo nito.

Nakaligtas ang batang biktima ngunit sa kasamaang palad ay binawian ng buhay ang kanilang alaga.


Ayon sa biktima, noong mga oras na iyon ay ipinagdadasal na lang nito na sana’y makaligtas pa siya sa kapahamakan, na siya namang himalang nangyari.
Tunay nga talagang “a dog is a man’s bestfriend”. Mangilang beses na ring pinatunayan ng mga aso na taglay nila ang pagiging isang bayani. Ngunit sa pagkakataong ito ay buhay ang naging kapalit ng ginawang kabayanihan ni ‘bantay’.

Wanna Fact PH | Facebook


 

Wanna Fact PH | Facebook


 

Latest articles

More like this