HomeTrendingAntonette Gail, sobrang nalungkot matapos itapon sa basurahan ng isang customer ang...

Antonette Gail, sobrang nalungkot matapos itapon sa basurahan ng isang customer ang binebenta nilang skincare products ni Whamos Cruz

Published on

spot_img


Hindi napigilan ng social media personality na si Antonnette Gail del Rosario na maglabas ng sama ng loob sa isang customer.

Ibinasura at tinawag kasi nitong walang kwenta ang binebenta nilang skincare products.

Kamakailan lamang, nag-post ng isang video ang nasabing customer sa TikTok kung saan makikita siyang galit na itinapon sa basurahan ang skincare products na binili niya mula sa live selling ni Antonette at ng kanyang boyfriend na si Whamos Cruz.


Sa nasabing video, maririnig ang tila dismayadong tono ng customer dahil dalawa lamang ang natanggap niyang freebies mula sa gimik nina Antonette at Whamos na “Add to cart na Big Scoop Freebies”.

Lingid sa kaalaman ng marami, sa nasabing gimik, ang bawat bibili o mag-a-add to cart mula sa live selling ng magkasintahan ay may tsansa na manalo ng freebies o free items mula sa “pool of freebies” na inihanda ng magkasintahan.


Kabilang sa mga free item na maaaring matanggap ng mga bibili ay isang brand new cellphone, cash, at skincare products.

Ngunit, tila dismayado nga ang nasabing customer dahil dalawang freebies lamang ang kanyang natanggap.

Saad pa niya sa kanyang video, “Kasi walang kwenta yung freebies mo dalawang piraso.”

Matapos mag-viral ay nakarating naman kay Antonette ang nasabing video ng customer.

Sa kanyang reaction video, inamin ni Antonette na halo-halong emosyon ang kanyang naramdaman nang mapanood niya ang video ng nasabing customer.



Iginiit din niya sa customer na marami ang gustong bumili ng kanilang mga produkto at gustong makatanggap ng mga freebies na sinayang lang niya at itinapon sa basurahan.

Ani Antonette, “So ayun guys meron akong napanood dito sa TikTok. So grabe hindi ko ma-explain yung nararamdaman ko since napanood ko yung video. So ate hindi mo ba alam na sobrang daming deserving na magkaroon ng product namin at sobrang daming gustong umorder ng product na yan.”

Ipinaliwanag din ni Antonette ang proseso ng pagbibigay nila ng freebies sa mga bibiling customer.


Aniya, “So yung about naman sa freebies guys, gusto ko lang i-explain kasi yung iba nagrereklamo porket nakakatanggap sila ng dalawang freebies or tatlo ganun. So kung makikita n’yo kapag nagla-live kami andaming product dun guys na naka-list which is ayun yung mga distributor namin, sinusuportahan namin sila para makabenta sila sa TikTok…So ibig sabihin wala kaming store dun. Sinu-support namin lahat ng mga regional namin dun, lahat ng distributor namin para makabenta sila. “

“So ang ginagawa nila nagse-send po sila ng waived bill sa amin at ipi-print namin yun on the spot kung sino yung mga nag-a-add cart nung araw na yun or nung live na yun. So, hindi po namin talaga kaya lahat mag-provide ng cellphone dahil malulugi naman kami kung lahat naman po ng order, kahit mini or mega, malalagyan ng cellphone. So sa libu-libong umo-order po, swertihan lang po talaga yung makaka-receive ng phone and swertihan din yung makaka-receive ng freebies kasi hindi nga po namin kaya if lahat yun po-provide-an namin ng freebies,” dagdag niya.


Sa huli, nakiusap si Antonette hindi lamang sa nasabing customer kundi sa lahat ng netizens na huwag nang mag-add to cart sa live selling nila kung hangad lang nilang makatanggap ng cellphone o freebies.

Aniya, “So ayun guys hindi naman po namin kayo pinipilit na mag-add to cart sa live namin and sana huwag na kayong mag-order kung ang habol n’yo lang naman po is freebies.”



Latest articles

More like this