HomeTrendingAsawa ni Andrew Schimmer na si Jorhomy Rovero, Pumanaw na

Asawa ni Andrew Schimmer na si Jorhomy Rovero, Pumanaw na

Published on

spot_img



Kinumpirma ni John Andrew Schimmer sa isa niyang video at post sa kaniyang Facebook Account, ang pagpanaw ng kaniyang misis na si Jorhomy Rovero, nito lamang Martes, Dec 20, 2022.

Kita sa larawan na pinost ni Andrew, na hawak- hawak niya ang kamay ni Jho suot ang kanilang wedding ring.




“The Love of my Life…my wife..my best friend.. my partner in everything. Remember your promse, together forever.”
 Labis ang lungkot at hinagpis ngayon ni Andrew at ng pamilya nito lalo na at sasapit ang kaarawan ng kanilang bunsong anak.
 

“Ang sakit lang birthday ng bunso namin mamaya… Hindi siya inabutan nung bunso namin,”– saad ni Andrew kasabay ng pagbuhos ng kaniyang luha dahil sa labis na paghihinagpis.


Sa kabilang banda, labis-labis naman ang pasasalamat niya sa mga taong walang sawang sumuporta sa kanila, mga taong tumulong at nag paabot ng dasal para sa kanila upang malagpasan ang pagsubok na kanilang pinagdadaanan.


 Higit isang taon ding naospital at lumaban ang asawa ni Andrew dahil sa sakit na severe asthma na nagresulta ng cardiac arrest at hypoxia.

Condolence to the family.


Latest articles

More like this