HomeTrendingBabae pinakasalan pa rin ang namayapang Boyfriend : ''TILL DEATH DO US...

Babae pinakasalan pa rin ang namayapang Boyfriend : ”TILL DEATH DO US PART”

Published on

spot_img



Nagpakasal ang isang babae sa kaniyang namayapang kasintahan nito lamang Sabado, sa Guihulngan City, Negros Oriental.



Suot ang wedding gown, nagtungo si Mary Jane Escribano, sa burol ng kaniyang boyfriend na si Jestoni Haincadto, upang ituloy kanilang kasal, nitong May 13.

Nakatakda sana ang araw ng kanilang kasal sa susunod pa na buwan (June), ngunit sa kasamaang palad ay nasawi si Jestoni sa araw ng kanilang ikalimang anibersaryo bilang maagkarelasyon.

Ginanap ang pag-iisang dibdib nina Mary Jane at Jestoni, isang araw bago dalhin ang lalaki sa huling hantungan nito.

Atake sa puso ang dahilan ng pagkawala ni Jestoni.


“Sakit pamalandungon. Dili na ko mahimong June bride… Sakit man Boss, pero kung iyang pagboot, iuli na tika sa Ginoo,” ani ni Mary Jane.


Latest articles

More like this