HomeTrendingBabaeng inakalang patay at nasa loob na ng kabaong, nagising bago i-cremate

Babaeng inakalang patay at nasa loob na ng kabaong, nagising bago i-cremate

Published on

spot_img



Nagulat at natakot ang isang pamilya sa bansang India matapos biglang gumising ang isang 76-year old na babae ilang minuto bago ito i-cremate.

Photo credit: Fortune


Pinaniniwalaan ng kanyang pamilya na namatay ang babae dahil sa C0V1D-19. 
 
Ayon sa Indian newspaper na Khaleej Times, nag self-isolate si Shakuntala Gaikwad matapos mapag-alamang nagpositibo ito sa C0V1D-19.
Ngunit kinailangan siyang dalhin ng kanyang pamilya sa lungsod dahil lumala umano ang mga sintomas nito.

Ayon sa pamilya ni Shakuntala, dinala nila ang matandang babae sa iba’t ibang ospital at umaasang makahanap pa sila ng bakanteng kwarto na tatanggap sa kanila.


Subalit habang nasa byahe sila ay biglang nawalan ng malay ang babae at hindi na umano ito nagsasalita at sumasagot nang subukan nilang i-revive.
Dito na naisip ng pamilya ni Shakuntala na pumanaw na siya at nag handa na sila para sa kanyang cremation.

Inanunsiyo ng kanilang pamilya ang pagkamatay ng matandang babae at isasagawa ang kanyang burol sa kanilang village sa Mudhale.


Photo credit: The Living Urn

Nasa loob na ng kabaong ang matandang babae at nakahanda na umano ang mga gagawing preparasyon para sa kanyang cremation nang bigla itong narinig ng kanyang pamilya na umiiyak.


Agad na dinala sa ospital si Shakuntala at ngayon ay sumasailalim sa mga tests at kasalukuyang nagpapagaling.
Sa ngayon ay mayroon ng 24.7 million cases, 20.8 million recovered at 270k de*ths ang naitala sa India.
***

Source: Inquirer


Latest articles

More like this