HomeTrendingBakit Big Mac Burger Lang Ang Kinakain Niya Araw-araw Sa Loob ng...

Bakit Big Mac Burger Lang Ang Kinakain Niya Araw-araw Sa Loob ng 50 Taon?

Published on

spot_img



Isang Lalaki Kumain ng Big Mac Burgers Araw-araw Sa Loob ng 50 Taon

Isang lalaki ang nag celebrate ng 50th year anniversary, hindi anibersaryong kasal, hindi rin anibersaryong trabaho, eh ano? Ito ay walang iba kundi ang selebrasyon ng kanyang pagmamahal sa kanyang paboritong pagkain na McDonald’s Big Mac burger.

Isa ka din ba sa mga taong loyal sa kanilang paboritong pagkain? Yung tipong wala ka ng ibang menu na titignan, to the point na hindi buo ang araw mo kapag hindi mo natikman ang iyong paborito. Ating talakayin ang isa nanamang listahan sa Guinness World record… Ang kumain ng higit 32,340 big mac burger for 50 years! Yes you heard it right, limang po’t taon. Loyal nga ba siya? Oh di kaya obsession na? Ating talakayin dito sa Daily Filipino News.

Donald Gorske:

Ayon kay Donald Gorske, nagsimula daw ang kanyang obsession sa burgers noong nagkaroon siya nang unang sasakyan noong May 17, 1972. Bumyahe daw siya patungo sa Mc Donalds at umorder ng tatlong burger, note… ito ang kanyang kauna-unahang order sa Mc Donalds at doon na nagsimula ang kanyang journey of Big mac burger. Syempre, karamihan sa ating mga Pinoy ay pamilyar sa Mc Donalds o mas kilala sa atin na MacDo, isa ito sa mga tanyag na fast foods na madalas mong makita sa loob ng malls.

Hindi naman maipagkakaila na matagal na umabot ng 50 years ang pag-oorder ni Donald Gorske sa Mc Donalds.

Kaunting kaalaman para sa ating lahat, ang Mc Donalds restaurant ay unang nagbukas noong 1940 sa San Bernardino, California, United States dahil ito ay nagging patok alam niyo ba na ito ang pinaka malaking restaurant company sa buong mundo. Ayon sa world population review , higit na 37,000 ang Mc Donalds branch ang naitayo sa 120 countries sa buong mundo.


Big Mac Burger: Now back to Donald Gorske at ang kanyang unang order sa McDo, at dahil hamburger daw ang ang isa sa mga pinaka paborito niyang sandwich sa buong mundo, nang umorder siya sa McDo at kinain ang kanyang first big mac order doon niya na napagdesisyonan na kakain siya ng isa o higit sa dalawang big mac burger sa kanyang buong buhay, at dahil sa desisyon niyang ito, Congratulations Donald Gorske dahil pasok ka sa ating Guinness World Record!

Ang unang record ni Donald ay naitala noong 1999 na umabot sa 15,490 hamburgers. Sa paglipas ng maraming taon, mas lalong nadagdagan ang kanyang pagkain ng hamburger, walong araw lang daw ang kanyang absent sa pagkain ng big mac. Ang kanyang record noon ay domoble, at na beat niya ang kanyang bagong record.

Celebrating 50 years:

Ang pangalawang selebrasyon ni Donald Gorske sa pagkain ng hamburger ay naganap lang recently. Noong May,17 2022 ay ang ika- limang po’t anibersaryo na naganap sa restaurant sa Fond du Lac Wisconsin (USA) para ganapin ang kanyang selebrasyon na Big-Mac-iversary, parehong branch nang kanyang simulang ang kanyang unang burger noong May 17, 1972.

Ayon kay Donald Gorske kapag daw may gusto siya, mananatiling ito lamang ang kanyang gugustohin hindi raw siya yung klase ng tao na sumusubok pa ng iba, at noong una niyang tikman ang una niyang big mac burger ito raw ay “love at first bite” at dahil dito ang branch na binabalik balikan niya ay nag lagay ng isang signage sa labas na “Conrats Don on 50 years of macs”.

Sa loob ng 50 years, naging spesyal na customer si Donald. Bukod sa congrats na signage sa labas meron din itong larawan na naka posturang nakahawak siya sa kanyang big mac burger na nakasabit sa pader. Ikaw? May suki ka din ba gaya ni Donald?


Resibo sa McDo:

Kung hindi ka pa masyadong nakakumbinse, pano kung sabihin ko naka track ang bawat resibo ni Donald Gorske, ultimo boxes ng kanyang big mac burger ay kanyang inaayos at itinatago, pati kalendaryo meron siya simula noong una niyang order.

Hanggang sa kanyang mga apo, may larawan ang mga ito sakanilang first big mac burger, at dahil dito maraming tao ang nagbigay sakanya ng mga sarit-saring Mc Donalds Collection na kanyang inipon, dahil sa pagiging patok na customer ni Donald hindi naman maipagkakaila ang mga ibat-ibang opinion ng mga tao,

Kalusugan ni Donald:

Naging matunog din ang kanyang kwento patungkol sa kanyang pagkain ng burger sa bawat araw, may ibang nagsasabi na masama daw ito sakanyang kalusugan, o di kaya ito raw ay hindi aabot sa matandang edad. Pero, Donald prove them wrong, nakadepende daw ito sa tao, sakanyang sariling opinion, ang mga tao raw ay hindi malusog sapagkat marami daw silang kinakain.

Para sakanya, minsan dalawang big mac lang daw ang kanyang kinakain sa buong araw at dahil dito nakakain daw siya ng burger sa bawat araw na hindi inaalala ang kanyang pagdagdag ng timbang at ito na ang nagsisilbing main diet. Bukod dito, suportado ang kanyang asawa at minsan din itong dinadalhan ng Big mac.


Ayon din sa kanyang asawa, nang komunsolta siya sa doctor, wala din naman daw itong problema sa kanyang kalusugan in fact Mabuti daw ito ang kalusogan nito, ang blood sugar at cholesterol daw niya ay normal. Kahit na medyo may katandaan na si Donald, napapanatili niya parin ang magandang pangangatawan, lagi daw itong naglalakad at hyperactive. Kaya naman nagging buo na ang kanayang desisyon na kumain ng big mac sa kanyang buong buhay.


Latest articles

More like this