HomeTrendingBata, nasa loob ng delivery box ng motorsiklo, nakunan ng video

Bata, nasa loob ng delivery box ng motorsiklo, nakunan ng video

Published on

spot_img



Hindi parcel kundi bata ang naging laman ng isang delivery box ng isang motorsiklo na nakuhaan ng video ng isang netizen.

Nag-viral ang video na nai-post ni Jeric Cruz sa social media, kung saan makikita sa video ang isang munting kamay na inaangat ng kaunti ang takip ng delivery box na nakakabit sa likurang bahagi ng motorsiklo, ayon sa uploader ay isa raw bata ang nasa loob ng box.


Inalis na ng uploader ang video dahil nakiusap ang rider sa kaniya, ngunit kumalat na ito sa social media.

Tumangging magbigay ng pahayag sa harap ng camera ang rider, pero sinabi niyang gusto lamang daw niyang makauwi sila kaagad ng kayang anak dahil inaantok na ito.


Tingin din daw niya, maskumportable ang bata sa loob ng delivery box kaysa sa kalungin ang bata.

Tinitingnan na rin umano ng LTO ang maaaring paglabag ng rider sa batas, kabilang na ang RA 1066 o ang Children’s Safety on Motorcycles Act of 2015.


Sabi naman ng DSWD, titingnan din nila ang kalagayan ng bata. Malinaw umano itong “child @buse” ang paglagay ng bata sa loob ng delivery box kahit ano pa ang paliwanag ng delivery rider.



Latest articles

More like this