HomeTrendingBata, walang kaalam-alam na ang nilalambing na ina ay wala ng buhay

Bata, walang kaalam-alam na ang nilalambing na ina ay wala ng buhay

Published on

spot_img



Napakasakit talaga ng mawalan ng mahal sa buhay. Tila guguho ang ating mundo sa tuwing maaalala natin sila at maiisip na kailanman ay hindi na natin sila makikita o mayayakap.

Photo credit to the owner


Samantala, viral sa social media ang larawan ng isang batang lalaki na tila nilalambing ang kanyang ina na wala ng buhay.

Ayon sa post ng netizen na si Emb Soirrab Paciteng, wala umanong kamalay malay ang bata na hindi na gigising ang kanyang ina na si Romelyn Cabili.
Makikita sa larawan kung papaano halikan at yakapin ng bata ang kanyang ina. Nakaupo naman sa gilid na tila balisa at tulala ang asawa ni Romelyn.

Photo credit to the owner


Photo credit to the owner


Wala naman nabanggit sa post kung ano ang naging sanhi ng pagpanaw ni Romelyn.

nakakadurog ng puso bilang ina na makita ang anak mo sa ganyan sitwasyon. Yung anak mo walang kamalay malay na nangyari sayo. Ang alam niya natutulog ka lang.
 

gising na bhe Romelyn Cabili,” post ni Emb.


Ngunit ayon sa isang video, stress, pagod at pagkabinat umano ang naging dahilan ng pagkawala ni Romelyn.


Photo credit to the owner

Maraming netizens ang nalungkot at naawa sa anak ni Romelyn. Tila dinudurog umano ang kanilang puso sa nasaksihan.

“Grabe d ko to kinaya,, biglang nadurog ang buong pagkatao ko,,, d ako maka move on,, hay sana ok lng ang bata,” sabi ni Marivie Grutas.


Romelyn Cabili


Hirap po tlg tignan akala bata natutulog lng …Kawawa yung bata ang liit pa ay walang kaalam alam n patay n mama nia.Lord gabayan nyo po yung naiwan n bata,” sabi ni Remy Abanin.

Nakakaiyak, kawawa bata akala tulog lng mama nya, kkaiyak nman condolence sa pamilya, npaka bata ina nya para mwala sa mundo,” komento ni Ricardo Dulay.

Panoorin ang video sa ibaba:


***

Source: Facebook


Latest articles

More like this