HomeTrendingBatang babae, iyak ng iyak matapos ibalik ng kanyang kaklase ang iniregalo...

Batang babae, iyak ng iyak matapos ibalik ng kanyang kaklase ang iniregalo niya dahil hindi nagustuhan

Published on

spot_img


Walang magulang ang gustong makitang nasasaktan ang kanilang anak.

Kaya naman hindi maiwasang maging emosyonal ng isang ina matapos makitang umiiyak ang kanyang anak.

Ang dahilan? Sobra raw kasi itong nasaktan nang ibalik ng kaklase nito ang regalong ibinigay niya rito sa kanilang Christmas party.


Ipinost ng inang si Christine Ursua Francisco sa Facebook ang video ng kanyang anak na si Criza Maine na umiiyak.

Ayon sa kanya, ito raw ang unang beses na sumali sa isang Christmas party si Criza.

Tuwang-tuwa at excited pa nga raw si Criza na mamili ng ireregalo sa kanyang kaklase.

Ngunit hindi inaasahan ni Criza na mag-iiwan pala ng tr@uma sa kanya ang kanyang unang Christmas party.

Ito ay matapos ibinalik ng kanyang kaklase ang iniregalo niya rito na isang napaka-cute na pop it bag.

Mukhang hindi nagustuhan ng kaklase ni Criza ang iniregalo niya kaya ibinalik nito sa kanya pagkatapos ng Christmas party nila.


Kaya naman daw sobrang nasaktan si Criza.

Ayon pa kay Christine, malungkot na lumapit sa kanya si Criza.

Tinanong pa raw siya ni Criza kung ayaw ba ng kaklase nito sa kanyang regalo kaya ibinalik nito sa kanya.

Aminado naman si Christine na parang kinumot ang kanyang puso dahil sa lungkot na nakita niya sa mga mata ni Criza dahil sa nangyari.


Narito ang kabuuang post ni Christine:

“First time ni CRIZA MAINE ko na sumali sa xmas Party!!!

KUNG MAY TIME KAU MAGBASA

Mag rant lng ako pasensya na fb friends di kc ako makamove on alam ko napahiya at nsaktan anak ko..Sa iba cguro maliit n bagay to pero sken iba tlga pag anak ko ang sumama ang loob..


So eto na nga: Criza ung bunso ko ugali nya tlga na pag magreregalo ay sya ang mamimili so akong mother ehh go lng khit magkano pa yan.. i told her na 100 pataas ang price dapat..so she choose this pop it bag pra panregalo nya.. So the xmas party begins…the program goes on kainan, games exchanging gifts nakuha ng anak ko parang damit pero d namin binuksan sabi ko s bahay na.. after the party i choose to help their teacher to clean the room..mya mya lumapit sken anak ko sadly says “ma binalik ung gift ko”.. before that pala sinauli ng kapalitan nya with her mother ung gift nya at kinuha dn ung gift nung bata in front of other classmates…nakita ko ung sadness sa mukha nya pra d magpatuloy ung lungkot i told her na its ok baby just sit there i will just finish this then will go home bibilhan kita ng ibang gift.. habang pauwi kami she said “ma ayaw nila ng gift ko?” Pra akong dinurog shutanesss.. sbi ko n lng s knya hindi baby bka di lng sya mahilig sa girl things..tara na lakad n uwi n tayo..grabe may ganun pala kaya ayoko isasali mga anak ko sa mga ganyan party..first time nya to join this year at sya lng s mga anak ko ang sumali s gnyan..kya grabe nasaktan ako pra sa anak ko..”

 

Dahil sa nanyari, hinikayat naman ni Christina ang ibang mga bata na magpasalamat kahit anong regalo ang matanggap nilang ngayong Pasko.


Aniya, “GIVE LOVE ON CHRISTMAS DAY pero ang nangyari returning gifts on christmas day for me worth it naman for 100+ ung gift ng baby ko hindi naman yan lower.. magaganit naman kc girl din kapalitan nya..pero bakit kaya?”

Samantala, maraming netizens ang nalungkot para kay Criza.

Komento pa nila, hindi naman daw pangit ang regalo ni Criza.

Katunayan, napakaganda raw ng regalo nito lalo pa at talagang ito mismo ang pumili





sadyang hindi lang na-appreciate ng kaklase nito ang kanyang regalo

Komento nila:

“super cute nga yang girly bag na pinili nia eh. iba iba lang kase type ng mga bata, mali lang na di sinabihan nung nanay nung nabunot nia na dpat maging appreciative sa mga natatanggap na bagay at wag mamamahiya if di nagustuhan… if i were her classmate, i would have loved that cutie bag – may good taste ang daughter mo.”

“im fully appreciate po ung anak nyo. at kayo po bilang magulang po. nging mababang loob po kayo pra s inyong anak.”

“Maganda Naman Po baka SI mommy lang Ang Hindi na gagandahan sa gift “

“Napaka Ganda Nyang pop it bag nakakainggit lalo na nung time na bibili Na ng pang gift gusto Ku Yang bilhin kaso puro barako ang anakis KO Kaya sana all my daughter”


18Shares

Latest articles

More like this