HomeTrendingBatang Breadwinner, doble ang trabaho para tustusan ang pangangailangan ng kanyang mga...

Batang Breadwinner, doble ang trabaho para tustusan ang pangangailangan ng kanyang mga magulang

Published on

spot_img


Napakasarap maging bata at ito na ata ang pinakamasayang bahagi ng buhay ng isang tao. Nariyan ang panahon na wala ka pang iisiping problema, malayang makakapaglaro, magtampisasaw sa ulan o di kaya ay maligo sa mga patak nito. Ang tanging iisipin mo lamang ay ang asignatura mula sa iyong paaralan at pagtapos nito balik na naman sa pakikipaglaro.



Panahong panay kaibigan at ngiti lamang ang namumutawi sa labi ngunit iba ang naging kapalaran ni Manny. Tubong Caloocan na sa murang edad ang lahat ng nabanggit ay hindi man lamang niya naranasan. Isinantabi ang pag-aaral at kalayaang maging isang normal na bata, sa kadahilanan kailangan niyang tustusan ang pangngailangan ng kanyang pamilya.



Ang kanyang mga magulang ay pawang may mga iniindang karamdaman, ang ama ni Manny ay baldado at ang kanyang ina naman ay may sakit sa baga kung saan hindi na ito makakilos ng naayon at nangangailangan na rin ng gamutan. Kaya naman itong batang si Manny ay naging responsable sa mga Gawain ng kanyang magulang. Si Manny ang umako ng lahat ng pangangailangan ng kanyang pamilya para lamang magpatuloy ang buhay.



Dobleng trabaho ang ginagawa ni Manny, sa umaga naglalako ito ng walis at iba pang gamit panlinis sa tahanan at sa pagsapit naman sa gabi siya ay umiikot sa kalsada upang magtinda ng balut at iba pa. Napakaswerte din naman ng kanyang magulang dahil hindi sila pinapabayaan ng kanilang Anak.



Sa panahon ngayon sipag at diskarte talaga ang kailangan upang mabuhay, napakailap ng masayang mundo sa mga kapos palad kaya naman maging masipag tayo at magsumikap sa ara-araw upang sa pagdating ng araw magbubunga lahat ng ating pagsisikap at makaranas tayo kahit paano ng maginhawang pamumuhay.

Maging inspirasyon sana at araw para sa lahat ang dinadanas ng ibang kabataan tulad ni Manny. Hindi biro ang kanyang pasa na resposibilidad ngunit patuloy ito sa kanyang buhay.


Latest articles

More like this