HomeTrendingBatang nawawala tsinelas na lang ang nakita, ginulat at pinahalakhak ang ina...

Batang nawawala tsinelas na lang ang nakita, ginulat at pinahalakhak ang ina nang malaman ang kanyang kinaroroonan.

Published on

spot_img



Siguradong lubos na pagkabahala ang hatid sa ating mga magulang kapag nawala sa’ting paningin ang mga anak lalo na sa mga mataong lugar.

Kaya’t ganun na lang ang naramdamang kaluwagan sa kalooban ng isang ina mula sa CDO na nawalan ng anak sa pamamasyal ngunit kalaunan ay natagpuan din. Ang nakakatuwa pa rito ay nadatnan niya itong natutulog na parang nasa bahay lang.

 

 

Sa Facebook post ni Judah MJ Abonitalla ibinahagi niya ang karanasan sa isang mall partikular na sa isang sikat na pamilihan ng mga kagamitan sa bahay kasama ang kaniyang mga anak.
Habang naghihintay ng kanilang sundo matapos maglibot at mag-window shopping ng mag iina, napansin niya na lang na nawawala ang kaniyang 3 taong gulang na anak na si Zacc.

Bagamat balisa ay nanatiling kalmado at mahinahon si Mama Judah upang hanapin ang anak habang walang patid nitong tinatawag ng malakas ang ngalan ng bata sa bawat sulok ng nasabing lugar.


Batang nawawala | Picture credits to the owner

 

Batang nawawala | Picture credits to the owner

 

Ngunit binalot ng takot ang ina ng tanging tsinelas na lamang ng bata ang kaniyang natagpuan. Halos magsisigaw na ang ina sa paghahanap at napatigil na lang ng may narinig na boses at nakita ang anak na pormang matutulog sa isang estante ng nasabing shop.
Katuwa-tuwa kasing naghahanap lang pala ito ng lugar kung saan makakapagpahinga. nakuha pa nga nitong magtanggal ng kaniyang tsinelas o sapatos na suot. Siguro’y sa sobrang antok ay inakala niya na siya ay nasa kanilang kwarto nang mga oras na iyon.
Judah MJ Abonitalla | Facebook

 

Judah MJ Abonitalla | Facebook


 

Ang nakakaaliw na eksena ay marahil na dala na rin ng pagod ng bata dahil sa kanilang maghapong paglilibot sa mall.
Taliwas sa ibang bata na sobrang malikot at makulit kahit sa mga pampublikong lugar. Si Zacc sa kabilang banda ay naghanap ng lugar na matutulugan dahilan para siya ay kagiliwan at katuwaan ng libo-libong netizens ng makita ang post ng kanyang ina.
Judah MJ Abonitalla | Facebook
Judah MJ Abonitalla | Facebook

 


Latest articles

More like this