HomeTrendingBato, Bong, Robin solid kay Digong

Bato, Bong, Robin solid kay Digong

Published on

spot_img


Ipinakita ng tatlo sa mga kaalyadong senador na buo at solido pa rin ang kanilang suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at hindi nila ito iiwanan.

Pinanindigan pa nina Senador Ronald “Bato” dela Rosa, Christopher “Bong” Go, at Robin Padilla na kailanman ay hindi sila tatalon sa ibang partido.

Si Duterte ang chairman ng PDP-Laban na nitong mga nagdaang araw ay iniwan ng ilan nilang kasamahan at tumalon sa ibang partido.

Sa ulat ng online news na Politiko, tiniyak umano ng tatlong senador ang kanilang solidong suporta kay Duterte nang magkita-kita sa isang pagtitipon.


Inilabas ni Delas Rosa sa kanyang Facebook page ang litrato kung saan kasama nilang tatlong senador ang dating pangulo.

“PDP LABAN, team walang iwanan! Walang atrasan! Walang sukuan!” sabi ni Dela Rosa sa kanyang FB post.

Miyembro ang tatlong senador ng PDP-Laban na iniwan ng iba nilang kapartido matapos lumipat sa Lakas-CMD na pinamumunuan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)


Latest articles

More like this