HomeTrendingBike for sale ni lolo: “Wala na po kasi kami kakainin. Pang...

Bike for sale ni lolo: “Wala na po kasi kami kakainin. Pang kain namin ngayon.”

Published on

spot_img


Mabilis na nag-viral sa social media ang mga larawan ng isang lolo na ibinebenta ang kanyang bisikleta upang may ipambili ng pagkain.

Có thể là hình ảnh về 2 người và văn bản cho biết 'FoR SALE Shot on Y15 Vivo Al camera'

Photo credit: King Robert Heredia


Sa Facebook post ng King Robert Heredia, ibinahagi nito ang mga larawan ni lolo na talaga namang umantig sa puso ng mga netizens.

Kwento ni Heredia, hindi raw sinipot ng buyer si lolo kaya nagpaskil nalang siya ng ‘for sale.’

 

Wala na rin daw sila makain kaya kailangan niyang ibenta ang kanyang bisikleta.


Có thể là hình ảnh về 1 người, xe đạp và đường phố
Photo credit: King Robert Heredia
Có thể là hình ảnh về 1 người và đang đứng

Photo credit: King Robert Heredia


Wala na po kasi kami kakainin. Pang kain namin ngayon. Di kasi ako sinipot nung bibili ngayon, baka may gusto bumili kaya nag pwesto ako dito,” sabi ni lolo.

Naluha na lamang si Heredia sa kanyang mga narinig. Kahit na gusto umano niyang bigyan ng pera ang matanda ay wala rin siyang pera.
Kaya naman naisipan niyang ipost sa Facebook ang larawan ni lolo upang matulungan ng mga netizens.


Narito ang buong post ni Heredia:
“BIKE NI LOLO FOR SALE” walang bawas na salita:
 
T: Lo, Magandang hapon po. Magkano nyo po binebenta ang bike?

Lolo: 1500 po sir

T: Taga san po kayo lo?

Lolo: Diyan lang po sa Cataquiz sa bayan po 

T: Bat nyo po binebenta? edi wala na po kayong bike?

Lolo: Wala na po kasi kami kakainin. Pang kain namin ngayon. Di kasi ako sinipot nung bibili ngayon, baka may gusto bumili kaya nag pwesto ako dito. 



Naluha nalang ako, wala rin kasi ako maibigay kahit barya. napadaan lang kasi ako. Kaya ipopost ko nalang po ito. SAna may tumulong o bilin ang bike ni Lolo Marcelo 75 y.o na taga Cataquiz San Pedro Laguna. Nakaupo sa gilid ng kalsada ng Brgy. Cuyab San Pedro ngayon kanina alas 3 ng hapon.”
 

Samantala, dahil sa mabilis na pagkalat ng mga larawan ng matanda, umabot ito sa pamahalaang lungsod ng San Pedro Laguna at agad siyang nabigyan ng tulong.


Có thể là hình ảnh về 2 người, mọi người đang ngồi và mọi người đang đứng
Photo credit to the owner
Có thể là hình ảnh về 4 người, mọi người đang đứng và xe đạp

Photo credit to the owner


Có thể là hình ảnh về 3 người
Photo credit to the owner
Kinilala ang matanda na si lolo Marcelo.
Ayon sa post, “nakapag-abot ang ating Pamahalaang Lungsod ng Livelihood Program, Financial Assistance at mga Grocery Bags para sa kanya ngayong araw, Agosto 25, 2022 sa San Pedro City Hall.”


***
Source: Facebook

Latest articles

More like this