HomeTrendingBuntis na Naliligo sa Dagat, Napaanak; Sanggol, Nalunod at Binawian ng Buhay

Buntis na Naliligo sa Dagat, Napaanak; Sanggol, Nalunod at Binawian ng Buhay

Published on

spot_img


Isang buntis ang biglang napaanak habang naliligo sa dagat at dahil sa taranta nito ay agad nalubog ang sanggol sa tubig at nalunod ito at nawalan ng buhay.

Hindi man lang nabigyan ng pagkakataon na mabuhay ang isang sanggol matapos itong malunod nang biglang mapaanak ang kanyang ina habang naliligo sa dagat sa Villa Carmen Barangay Mountain View sa Mariveles Bataan.



Naliligo umano sa dalampasigan ang mag-live in partner na si Leonardo Capino at ang buntis na si Jonalyn Malacaman nang biglang mapaanak ito. Aksidente namang nabitawan at lumubog sa tubig ang lalaking sanggol hanggang tangayin ng alon hanggang sa malunod ito.


Mabilis namang sinagip ni Capino ang sanggol at agad na isinugod sa ospital sa Mariveles ngunit di na ito umabot ng buhay.


Patuloy naman ang imbestigasyon sa nangyareng insidente kung mayroon bang pananagutan ang mag- live in partner sa nangyare na pagkasawi ng sanggol.


Latest articles

More like this