HomeTrendingConcert ni Jake Zyrus sa Amerika, walang pumunta ayon kay Ogie Diaz

Concert ni Jake Zyrus sa Amerika, walang pumunta ayon kay Ogie Diaz

Published on

spot_img


Nilangaw diumano ang concert ng international singer na si Jake Zyrus sa Amerika.

Ito ay ayon sa source ng showbiz columnist na si Ogie Diaz.

Sa latest video ng kanyang YouTube Channel na “Ogie Diaz Showbiz Update,” muling napag-usapan ni Ogie ang karera ni Jake o unang sumikat bilang Charice Pempengco sa Amerika.


Naikwento nga ni Ogie na noong Disyembre 10 ay nagkaroon ng concert si Jake sa San Diego.

Ngunit nilangaw o wala raw halos dumalo sa concert ni Jake.

Tinatayang hindi raw bababa sa 700 ang kasya sa venue ng concert ni Jake pero hindi man lang daw umabot ng 200 ang nanood.

Ayon naman kay Ogie, tila intensyunal umano na walang dumalo sa concert ni Jake dahil mas gusto raw nilang marinig ang boses niya noong si Charice pa ito.


Saad ni Ogie, “More or less 700 ang capacity, e parang wala pang 200 yata ang umattend. Ang sabi ng iba na hindi nakapanood ng concert, intensyunal na hindi sila manood kasi gusto raw nila yung boses nung Charice Pempengco pa siya.”

Samantala, hindi naman ito ang unang beses na naibalita ang tungkol sa tila hindi magandang estado ng karera ni Jake sa Amerika.

Matatandaan na kamakailan lamang ay ibinunyag ng showbiz columnist na si Cristy Fermin na hirap makakuha ng singing projects sa Amerika sa Jake.

Ayon pa kay Cristy, maging ang isa sa mga nagpasikat noon kay Jake na si David Foster ay hindi na rin siya matulungan na magka-project.




Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na mula nang iladlad ni Jake ang kanyang tunay na kasarian ay isa-isang nawala ang kanyang mga proyekto. Patunay lamang na hindi tanggap ng marami ang kanyang pagbabago.

Gayunpaman, wala pa namang pahayag o reaksyon si Jake hinggil sa mga pahayag nina Ogie at Cristy tungkol sa kanya.


Latest articles

More like this