HomeTrendingCONSTRUCTION WORKER, NABULAG, MATAPOS MaTALSIKAN NG PAKO SA MATA, FOREMAN AT CONTRACTOR...

CONSTRUCTION WORKER, NABULAG, MATAPOS MaTALSIKAN NG PAKO SA MATA, FOREMAN AT CONTRACTOR WALANG PAKIALAM!!

Published on

spot_img


Humihingi ng tulong ang construction worker na ito na nabulag matapos matalsikan ng pako sa mata sa kanyang trabaho. Kinilala ang lalaki na si Emelito Baleña.

Isinugod si Baleña sa De La Salle University Medical Center ng kanyang foreman at matapos ang paunang lunas sinabi ng doktor na kinakailangan siyang operahan at kailangan ng 10k – 15k pesos.


Ngunit sabi ng foreman na wala itong pera at umuwi na lamang sila dahil nalinis na naman ang kanyang mata. Pinilit pa umano papirmahin si Baleña ng isang waiver at wala siyang nagawa dahil wala nga siyang pera.


Matapos ang ilang araw lumala at naimpeksyon ang kanyang sugat dahilan para mabulag ito. Sobrang sakit daw ng kanyang sugat kaya hindi rin siya makakain. Humihingi pa rin sila ng tulong sa foreman at contractor pero pinapatayan lamang sila nito. Kinilala naman na ang foreman ay si Marlon Tinorio at ang contractor ay si Enrico Lalonio.



Latest articles

More like this