HomeTrendingCouple Goals: Magkasintahan, parehong top passer sa board exam

Couple Goals: Magkasintahan, parehong top passer sa board exam

Published on

spot_img


Kinagigiliwan at naging inspirasyon ngayon ng ilang mga netizen ang magkasintahan mula sa Rizal Technological University matapos silang maging top passers sa katatapos lang na Mechanical Engineers Licensure Exam nitong Pebrero.

No. 1 passer si Reynell Sanchez na may rating na 94.90 percent, habang No. 6 naman ang nobya niyang si Eunice Santiago na may score na 93.25 percent.

Pareho ring nagtapos bilang cum laude ang magkasintahan.


To my love Eunice Santiago,

I’m so proud of you!
For 6 months we did our best, we witness each others hardships, struggles, sleepless nights and determination, it was all fulfilling. There were maybe times that we were tired, sick and sometimes that we want to give up. But with each other we surpass those, especially for me, you became my strength to work hard more.
I will treasure all the memories with you.
This is our goals, the product of our sacrifices.
I would also like to take this opportunity to Thank Santiago Family, who are very supported to me specially to Tita Ester.

FEB 2023 MECHANICAL ENGINEERING LICENSURE EXAM Top 1 and Top 6.

“Hi babe, we made it!” ani Santiago sa kanyang Facebook post na naging viral na sa social media.
Ayon kay Santiago, malaking bagay raw ang teamwork nilang magkasintahan kaya nakamit nila ang kanilang mga tagumpay.



Mula pa raw noong kolehiyo, magkasama ra na raw silang nagre-review, pareho rin daw silang academic achiever, kaya noong naging magkasintahan sila ay naging hobby nila ang pag-aaral at pagre-review.

Noong naghahanda raw sila sa board exam, pareho nilang binabahagi sa isa’t isa kung saang parte sila nahihirapan, at sabay rin daw silang naghahanap ng paraan para masagot ang mga tanong sa review, magkatuwang din ang magkasintahan sa pagmo-motivate sa isa’t isa kapag sila ay nadi-distract or may times na tinatamad.

Parehong masaya ngayon ang magkasintahan sa kanilang mga naging achievement, dahil nagbunga na rin sa wakas ang kanilang mga pinaghirapan.


Payo rin ni Santiago sa mga magkasintahang nag-aaral din, huwag mahiyang maging laging bukas sa kanilang nobyo o nobya kung may problema man silang hinaharap.

Mas maganda rin daw na laging kino-compliment ang isa’t isa para magsilbing motivation sa kanilang pag-aaral.


Latest articles

More like this