HomeTrendingCristy Fermin, awang-awa sa labis na pagpayat ni Vhong Navarro

Cristy Fermin, awang-awa sa labis na pagpayat ni Vhong Navarro

Published on

spot_img


“Napakapayat. Pumayat at saka ano talaga, nakakalungkot. Hindi naman siya siguro maaaring masaktan doon (Taguig City jail) dahil ayon nga sa mga nakausap naman ng kanyang mga abogado ay mahigpit doon lalo na ang warden, mahigpit talaga.”

Yan ang malungkot na pagbabahagi ni Cristy Fermin tungkol sa mga videos at larawan na kumakalat sa social media na kung saan makikitang sobrang laki ang pinagbago ng timbang ni Vhong Navarro.

Dagdag pa ni Cristy Fermin na sana’y sabay-sabay manalangin ang mga tagasuporta ng komedyante upang matapos na at makapag-piyansa na si Vhong Navarro.

“Ipinalangin na lang natin na sana’y mabigyan na siya ng piyansa. Baka ang kasunod na nito ay ang pagbibigay ng piyansa sa kanya dahil nandoon na siya sa pinag-ugatan ng kaso,” dagdag pa ni Cristy.

Nakaraan lamang ay nailipat na ang TV host-comedian na si Vhong Navarro sa Taguig City Jail Male Dormitory noong Nobyembre 21.


Ang TCJMD ay under ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na matatagpuan sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Base sa desisyon ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 ay ipinalipat na sa Taguig City Jail si Vhong sa kasong inihain ni Deniece Cornejo kung saan makakasama ni Vhong ang 993 inmates.

Mula naman sa BJMP ay dadaan muna si Vhong sa 15 days quarantine at saka oobserbahan kung puwede na siyang isama sa 993 preso.

Depende pa rin kasi ito kung may mapatutunayang banta sa kanyang buhay kapag nasa loob na siya ng selda.

Unang hiniling ng kampo ni Deniece na ilipat sa Taguig City Jail ang TV host at komedyante dahil doon daw nakasampa ang kanilang mga kaso.


Latest articles

More like this