HomeTrendingDating Childstar na si Serena Darymple, Ikinasal na !

Dating Childstar na si Serena Darymple, Ikinasal na !

Published on

spot_img



Sa mga batang 80’s, 90’s diyan, natatandaan nyo ba ang child star na ito?

Ikinasal na ang dating artista at childstar na si Serena Darymple sa kanyang foreign boyfriend na si Thomas Bredillet.

Ibinahagi ng aktres ang kanilang mga larawan sa kanyang instagram account na may mga caption na.

“Hello, I’m Mrs. Bredillet #newlyweds”.


Nagpaabot naman pagbati ang mga kaibigan, kapamilya at mga kasamahan niyang artista.

Nagkakilala ang dalawa noong taong 2018 at na engaged sila last year.

“Congratulations and Best Wishes Mr. and Mrs. Bredillet”.





Nagsimula ang karera ni Serena sa showbiz noong 1997, matapos sumikat ang kanyang commercial ng isang sikat na fast food chain na Jollibee, “Isa pa, isa pang chicken joy”.

Dahil sa nakakaaliw at galing niyang umarte ay mas nakilala pa si Serena,. Una niyang naging pelikula ang “Haba-baba-doo, puti-puti-poo!” na ipinalabas noong 1998, dinala siya kasama ang kapwa child actress na si Camille Prats. sinundan ito ng “Tong tatlong tatay kong pakitong-kitong”, pinalabas sa parehong taon.



Nang sumunod na taon ay 3 pelikula naman ang kanyang naging proyekto, ang “Type kita, walang kokontra”, “Tik Tak Toys My Kolokotoys”, at “Wansapanataym”. Matapos makilahok sa mga kasunod na pelikula ay nagsimula na siyang maging-star sa mga serye sa telebisyon noong 2001.

Opisyal na nagretiro ang batang aktres sa show business mula noong 2004, ngunit dalawang beses siyang bumalik sa pagiging bida noong 2008 sa pelikulang ”Ang Tanging Ina Ninyong Lahat” at noong 2010 saa pelikulang ”Ang Tanging Ina Mo (Last na ‘To!).


Latest articles

More like this