HomeTrendingDating nurse sa United Kingdom, tinaguriang Ugliest Woman In The World!

Dating nurse sa United Kingdom, tinaguriang Ugliest Woman In The World!

Published on

spot_img




The Mary Ann Bevan Story: The Ugliest Woman In The World

Sa panahon ngayon, ang pagkakaroon ng magandang mukha, maputi at makinis na balat, balingkinitang baywang at makurbang katawan ang siyang pangunahin na nating bashehan upang masabi nating ‘maganda’ ang isang babae.

Matatawag natin itong modern beauty standard, na talaga namang tahasang sinusunod ng maraming kababaihan, lalo pa’t talamak na ngayon ang paggamit ng social media kung saan malayang magbigay ng opinyon ang mga tao tungkol sa kahit ano, kabilang na ang hitsura ng bawat isa.

Ang pagkakaroon ng mga ganitong katangian ay maituturing na biyaya, lalo pa at dahil dito ay maaari kang makakuha ng simpatiya at labis na paghanga mula sa mga taong makakikita sa ’yo. Minsan pa nga ay ito rin ang basehan ng ibang tao kung sino lang ang bibigyan nila ng respeto’t paggalang, dahil may mga pagkakataong hindi nakakukuha ng kaparehong pagtrato sa iba ang mga taong hindi pasok sa modern beauty standard na ito.


Ngunit ano ang gagawin mo kung isang araw ay bigla ka na lang dinapuan ng labis na kamalasan sa buhay at biglang mawala sa iyo ang lahat, kabilang na ang iyong kagandahan?

Magagawa mo pa kayang bumangon at gawing kalakasan ang kahinaang ibinigay sa ’yo ng tadhana para sa mga taong umaasa sa ’yo at nangangailangan ng iyong pagkalinga?

Parang ang hirap nang makabangon, ano? Ngunit sa maniwala ka man o sa hindi, ay may isang taong nakayang lampasan ang naturang mga pagsubok…

Sino siya? ’Yan ang tatalakayin natin ngayon!


The Mary Ann Bevan Story: The Ugliest Woman In The World

Si Mary Ann Bevan, ang tinaguriang The Ugliest Woman In The World. Ipinanganak siya noong ikadalawampu ng Disyembre, taong 1874 sa Plaistow, London, sa bansang United Kingdom.

Ngunit alam n’yo ba na hindi naman talaga ‘inborn’ ang pagkakaroon ni Mary ng kakaibang hitsura? Ang totoo n’yan ay isa siyang maganda at kaakit-akit na dalaga, ’tulad ng ibang mga babae noong panahon niya.


Galing siya sa isang middle-class family, at isa sa walong magkakapatid. Nagtapos si Mary ng pag-aaral at naging nurse, bago siya nagpasiyang mag-asawa noong 1903. Pinakasalan niya si Thomas Bevan, isang market gardener, at nagkaroon sila ng apat na anak. Naging maayos naman ang mga unang taon ng kanilang pagsasama, hanggang sa dumapo na nga ang isang trahedyang babago sa buhay ng kanilang binuong pamilya…pum*naw ang asawa ni Mary Ann, Mayo ng taong 1914.

Naiwan kay Mary ang apat nilang anak ni Thomas. Apat na bibig na dapat niyang pakainin. Apat na maliliit na supling na dapat niyang arugain.

Ngunit sa kalagitnaan ng lahat ng ito, matapos mawala ang kaniyang pinakamamahal na asawa ay isa na namang pagsubok ang ipinataw ng tadhana kay Mary. Nagsimula siyang makapansin ng ilang mga sintomas sa kaniyang katawan.


Nagsimulang magbago nang unti-unti ang kaniyang hitsura. Noong una ay palagi lamang sumasakit ang ulo ni Mary at nakadarama siya ng physical discomfort pati na rin ng panlalabo ng mga mata, ngunit kalaunan ay napapansin niyang lumalaki na rin ang ilang parte ng kaniyang katawan, hanggang sa na-disfigure na, pati ang kaniyang mukha.

Doon ay tuluyan nang nagbago ang lahat sa buhay ni Mary Ann Bevan. Dahil kasi sa pagkakaroon niya ng kakaibang hitsura ay nagsimula siyang makatanggap ng mga pangungutya mula sa ibang taong nakasasalamuha niya.

Ngunit hindi iyon naging handlang sa paghahanap ni Mary ng paraan upang buhayin ang kaniyang mga anak. Sa katunayan ay ginamit niya ang pangyayaring ito at ginawang kalakasan, nang sumali siya sa isang paligsahan kung saan ay nakuha niya ang kaniyang titulong The Ugliest Woman In The World.


Tinalo ni Mary Ann ang mahigit dalawang daang kandidata sa nasabing contest, at dahil doon, hindi nagtagal ay na-hire siya sa isa sa pinakamalaking entablado nang mga panahong iyon—ang Coney Island’s Dreamland Sideshow.

Naging pangunahing atraksyon si Mary at naglakbay sa maraming lugar sa Scotland, England, USA, at Northern Ireland, dala ang nasabing titulo. At sa loob lang ng dalawang taon ay umabot na sa dalawampung libong euro ang kaniyang kita, na kung susumahin ay katumbas na ngayon ng mahigit isang milyon at kalahating dolyar!

Dahil doon ay nabigyan niya ng magandang buhay ang kaniyang mga anak sa kabila ng mga pangungutya at pang-aaping patuloy niyang natatamo mula sa ibang tao. Tiniis niya iyon para sa kaniyang mga anak at nagpatuloy siya sa pagpe-perfom hanggang sa siya ay pum*naw na, Disyembre abente-sais ng taong 1933, sa edad na singkuwenta y sais anyos.




Sa tagal ng paghahatid niya ng saya at katatawanan sa mga tao kahit noong siya ay mawala na sa mundo, si Mary Ann Bevan ay nakakuha rin ng simpatiya mula sa maraming tao. Sa katunayan ay nagsimula na ring i-acknowledge ng iba ang kaniyang sobrang katatagan at kalakasan ng loob, at hindi lang ang kaniyang kakaibang hitsura.

Ngunit ano nga ba ang dahilan kung bakit nagkaganoon ang dating maganda at kaakit-akit na si Mary Ann?

Na-diagnose si Mary Ann Bevan sa tinatawag na Acromegaly, isang kondisyon o karamdamang nangyayari dahil ang pituitary gland ng isang tao—o iyong isang maliit na gland sa ilalim ng utak—ay nagpo-produce ng masyadong maraming growth hormones. Ito ay kadalasang sanhi ng isang non-cancerous na tumor sa pituitary gland na tinatawag na adenoma.


Maaari naman sanang magamot ang kondisyong ito ni Mary Ann kung naagapan lang sana ito. Kaya lang, bukod sa sitwasyong kinahaharap ng pamilya ni Mary Ann noon, nang mga panahong iyon ay limitado lamang din naman ang mga research at treatment para sa iba’t ibang sakit, kaya naman hindi na ito nagamot pa

Ganoon pa man, magpahanggang sa panahong ito ay marami pa ring mga artikulong nagpapakalat ng kuwento ng buhay ni Mary Ann Bevan, hindi lang dahil sa pagkakaroon niya ng titulong The Ugliest Woman In The World, kundi dahil na rin sa hatid na inspirasyon ng kaniyang katatagan at pagiging mabuting ina sa kaniyang mga anak. Pinatunayan ni Mary Ann na bagama’t binigyan siya ng isang hindi pangkaraniwang pagsubok ay wala pa ring maaaring humadlang sa wagas at walang kapantay na pagmamahal ng isang ina sa kaniyang mga anak.

Naantig at na-inspire ba kayo sa paksang tampok ngayon ng ating topic? Ano ang masasabi n’yo tungkol sa buhay ni Mary Ann Bevan? Pag-usapan natin ’yan sa ating comment section!



Latest articles

More like this