HomeTrendingDating Teen Star Antoinette Taus, 41-anyos na pero parang hindi tumatanda. Pang-bagets...

Dating Teen Star Antoinette Taus, 41-anyos na pero parang hindi tumatanda. Pang-bagets pa rin ang kagandahan.

Published on

spot_img


Maraming netizens ang napa-WOW sa tila hindi kumukupas na kagandahan ng dating teen star na si Antoinette Taus.

Taong 1990s nang umariba ang karera sa showbiz ni Antoinette at mas kinilala pa nang ito’y gumanap bilang “Anna” sa sikat na soap opera noon na “Anna Karenina”. Isa rin siya sa mga lead star ng dating drama series ng GMA na T.G.I.S.


 

 

Malaki rin ang naging ambag ng tambalan nila ng kanyang ex-boyfriend na si Dingdong Dantes sa matagumpay na pagsikat noon ng aktres.
Matapos lisanin ang showbiz at piliing manirahan sa ibang bansa, muling nasilayan ng kanyang mga taga-hanga ang tila hindi kumukupas na kagandahan ng dating bituin.
Kitang-kita sa isang larawan na kuha sa isang beach ang blooming na blooming parin taglay ang sexy at magandang pangangatawan ng 41 taong gulang na si Antoinette.


Antoinette Taus | Facebook

 

Antoinette Taus | Facebook


 

Nostalgic ang naging pakiramdam ng mga fans nito pati na rin ang iba pang mga netizens dahil sa mga ibinahagi niyang pictures sa social media.
Nagbunga ito ng pananabik mula sa kanyang mga taga-subaybay at tila may lumutang na katanungan mula sa karagatan. Magbabalik na ba ito sa showbiz?
Wala namang balita ukol dito pero kung ito’y mangyari man ay siguradong bukas palad na tatanggapin ng mga fans ang kanyang pagbabalik.
Antoinette Taus | Facebook


Antoinette Taus | Facebook
Sa ngayon ay abala si Antoinette bilang isang UNEP Goodwll Ambassador at Founder ng isang non-profit organization na CORA Philippines.
Ang CORA o Communities Organized for Resource Allocation ay hango sa pangalan ng yumaong ina ni Antoinette. Dahil mabuting adhikain nito ay hinirang ang aktres bilang National Ambassador for the Philippines noong 2019.
Full support din ito sa mga gig ng kanyang kapatid na DJ at dati ring child actor na si Tom Taus Jr.


Antoinette Taus | Facebook
Antoinette Taus | Facebook

 


Latest articles

More like this