HomeTrendingDating walang-wala at naglalako lamang ng Suka, nagtagumpay at napakayaman na ngayon

Dating walang-wala at naglalako lamang ng Suka, nagtagumpay at napakayaman na ngayon

Published on

spot_img


Sinong mag-aakala na ang dating nagtutulak lamang ng kareton upang ilako at maibenta ang galon-galon na suka sa halos buong bayan ng Pampanga ay isa na ngayong matagumpay na Civil Engineer at negosyante.

Isang kwento ng napakagandang bunga ng nag-uumapaw na dedikasyon at pagpupursige ang ibinahagi ng isang proud na anak sa kanyang Ama na hindi sumuko sa hirap ng kanilang buhay noon sa probinsya.

Sa Facebook post ni Marc Randall Sicat, hindi maipagkaila kung gaano ito ka-proud sa naging mga achievements ng kanyang Ama sa trabaho at sa mga negosyo nito.

Kwento niya, tunay na mahirap ang pinanggalingang pamilya ng kanyang Ama. Nakakalakihan na umano nito ang paglalako ng tinitindang suka tulak-tulak ang gamit niyang kareton mula pa Elementarya hanggang sa makapagtapos ito ng Kolehiyo.

Our old house kung makikita niyo wala pang pintura | Marc Randall Sicat


Hindi naging rason ng kanyang Ama ang pagtigil sa pag-aaral dahil sa kahirapan, bagkus pinagsasabay niya ang paghahanapbuhay upang may maipangtustos sa kanyang pag-aaral at makatulong sa kanyang mga magulang at mga kapatid.

“Ipinagsasabay niya ang kanyang pag-aaral habang nagtutulak ng kariton sa buong San Fernando, Angeles, at Mexico. Galon galon na Suka ang kanyang tinitinda at kilo kilometro ang binabaybay niya araw-araw para maitinda ang lahat ng ito,”

Aminadong hindi naging madali ang pamumuhay nila noon, palipat-lipat ng bahay hanggang sa umabot sa punto na nangungupahan sila ng kanilang matitirhan sa ibabaw ng creek.

At maging sa unang trabaho umano nito sa Maynila bilang inhinyero, hindi rin ito nakaligtas sa pangmamaliit at ibang turing sa kanya dahil umano sa galing siyang probinsya.

Gayunpaman, lahat ng mga pagsubok ay hindi niya kailanman sinukuan at ngayo’y inaani na niya at ng buong pamilya ang mayayabong ng bunga ng tagumpay at katuparan ng kanilang mga pangarap.

Interior of our house | Marc Randall Sicat


“Dati nilalakbay niya buong pampanga para magtrabaho at magtulak ng kariton pero ngayon nakakapagbakasyon na siya sa ibang bansa. Dati kariton lang tinutulak niya ngayon kotse na ang kanyang minamaneho.”

Basahin ang buong nakaka-inspire na kwento ni Marc:

Gusto ko lang sana i-share ang success story ng dad 👷🏻‍♂️ko since Birthday 🥳 niya ngayon. 

From selling vinegar 💦to constructing  high rise buildings 🏢 🏗 

From travelling the streets of Pampanga 🚶to travelling around the world✈️

From nothing 🤦to something💁‍♂️

From a house above the creek 🏚to a home of worthy of filming🏡🎥

From pushing a kariton🚶🏻‍♂️ to driving a car🚗

Sana po basahin niyo kahit mahaba. Maiinspire po kayo ng sobra! Sa sobrang amazing pwedeng pwede sa MMK at KMJS 😂

Story:

Ang aking papa ay pinanganak sa isang MAHIRAP na pamilya sa isang barrio sa Pampanga. Pang-apat siya sa kanilang walong magkakapatid at ang kanyang mga magulang ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral. 

Subalit hindi naging hadlang ito para matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay. Bata pa lamang siya ay natuto na siya kung paano magnegosyo at magtinda. Ang pinaka naging negosyo niya habang siya ay nasa elementarya pa lamang hanggang sa makapagtapos ng kolehiyo ay ang pagtitinda ng SUKA. 

Ipinagsasabay niya ang kanyang pag-aaral habang nagtutulak ng kariton sa buong San Fernando, Angeles, at Mexico. Galon galon na Suka ang kanyang tinitinda at kilo kilometro ang binabaybay niya araw-araw para maitinda ang lahat ng ito. Ang nalilikom niyang pera ay kanyang pinang-papaaral sa kanyang sarili at binibigay niya sa kanyang mga magulang at mga kapatid. 

Noong kolehiyo siya ay nag-enroll ng Civil Engineering sa Holy Angel University. 7 years niya ito tinapos dahil nga siya ay nagtitinda ng suka. Noong mga panahong ito siya rin ay nagdududa kung ipagpapatuloy niya pa ba ang pag-aaral sapagkat sa kanyang isip ay mas malaki pa ang kanyang kinikita sa pagtitinda ng suka. Pero mas pinili niyang ipag-patuloy ang pag-aaral dahil mas nais niyang mas maging matagumpay. 

Pagkagraduate niya siya ay nagtake ng Board Exam at kanya itong napasa. Isa siya sa mga naunang LICENSED Civil Engineer sa kanilang barrio.

After 2 years niyang mamasukan bilang isang Engineer siya agad ay nagtayo ng kanyang sariling CONSTRUCTION COMPANY. Sa loob ng 2 years bago niya itayo ang kanyang kumpanya siya ay pumunta sa Manila at siya ay nalayo sa kanyang pamilya. 

Hindi naging madali ito sapagkat minamaliit siya dahil siya ay graduate ng probinsya at syempre malayo nga sa pamilya. Ngunit dahil sabak na siya sa HIRAP ng buhay bata palang kaya na kaya niyang gawin ito kahit na wala siyang puhunan at mga gamit. 

Maraming nagtiwala sa kanyang mga clients at lalampas na ng 1000 projects ang kanyang natapos sa araw na ito. May mga buildings, bahay ng artista, mga malls,


 

One of our projects featured by Presello | Marc Randall Sicat

 

Built by my Father | Marc Randall Sicat

 

 

At mga sikat na restaurant gaya ng Tokyo tokyo at Burger King, mga sikat ng Hospital at eskwelahan at marami pang iba. 

Noong bago pa lang sila mag-asawa ni mama nakita ko ang mga pictures namin dati. Nangungupahan lang sila dati.  Tapos lumipat sila ng bahay at iyong bahay na yun ay itinayo sa ibabawa ng SAPA o creek. 

Kung-makikita niyo wala man lang pintura yung pader na pinost ko sa mga pictures. Pero ngayon yung new house na ginawa din ng dad ko ay pinagshooshootingan pa. 

 

Our House | Marc Randall Sicat


 

Dati nilalakbay niya buong pampanga para magtrabaho at magtulak ng kariton pero ngayon nakakapagbakasyon na siya sa ibang bansa. Dati kariton lang tinutulak niya ngayon kotse na ang kanyang minamaneho. 

Pero syempre ang lahat ng ito ay hindi mangyayari kung hindi TINANGGAP ng papa ko si HESUS bilang kanyang Diyos, Hari, at Tagapagligtas.

“For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life.”

‭‭John‬ ‭3:16‬ ‭NIV‬‬

“If you declare with your mouth, “Jesus is Lord,” and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved.”

‭‭Romans‬ ‭10:9‬ ‭NIV‬‬ 

Kaya TO GOD BE THE GLORY!

Happy Birthday din sayo Papa! I love you! 

***
 

Source:  Marc Randall Sicat


Latest articles

More like this