HomeTrendingDeanna Wong bumawi sa fans, todo kaway

Deanna Wong bumawi sa fans, todo kaway

Published on

spot_img


Kamakailan lamang ay nag-viral ang video tungkol sa pagiging isnabera daw umano ni Deanna Wong at mga kasamahan nito.

Nangyare ito noong bumisita sila sa Boracay.

Makikita sa video na binati sila ng mga fans ngunit dedma ang mga players.


Di man lang ngumiti o kumaway pabalik.

Nagkaroon ito ng samut-saring reaksiyon mula sa netizens.

May iba na nadismaya dahil sa pagiging isnabera ni Deanna at iba pa niyang teammates.

Ngunit may ilan naman na ipinagtatanggol sila.


Katunayan, may isang fan at netizen na proud na ibinahagi ang isang video clip noong nagbabakasyon sa El Nido Palawan.

Nakita raw niya roon sina Deanna Wong at ang partner nito na si Ivy Lacsina.

Makikita sa video clip na ibinahagi ni @beyuhdeI ang pagpansin at pagkaway sa kanya ng naturang player.

Todo ngiti din ito sa kanya habang sakay sa sidecar ng partner niyang si Ivy Lacsina.

Kumaway din si Ivy at nag-flying kiss pa.


Ani pa ni @beyuhdeI,”wag muna kayong umuwi! huhu I’m happy to see u na nag-eenjoy lang,”.

Ang video clip na iyon ay patunay raw na hindi totoong “dedma” ang volleyball star.

Agad na umani din ito ng iba’t ibang reaksyon at komento.

Marami ang nagsabing hindi naman daw pala isnabera si Deana.

Ilan naman ang nagpasaring na tila bumabawi ngayon ang sikat na volleyball player matapos batikusin dahil sa pandededma nito kamakailan.


“Salamat El Nido! Dedma na tayo sa Boracay daming zombies do’n.”

“Ayan may pang Ms.U na wave at hi, talagang naenjoy nila yung El Nido unlike sa Boracay na daming bubuyog.”

Sa ngayon ay wala pa namang inilalabas na pahayag si Deanna tungkol sa isyu na binabato sa kanya.




Latest articles

More like this