HomeTrendingDelivery rider, pinag-antay ng customer ng isang oras habang katirikan ng araw

Delivery rider, pinag-antay ng customer ng isang oras habang katirikan ng araw

Published on

spot_img


Sa panahon ngayon ay usong-uso na ang online shopping at idedeliver pa mismo sa inyong bahay ang mga ordered items.

Photo credit: Bea Aspiras

Napakadali ng gawin ang lahat dahil halos lahat ay mayroon ng access sa internet. Ngunit mayroon talagang mga ilang insidenteng hindi natin inaasahan.

Samantala, naawa at nahabag ang isang netizen sa delivery rider na halos isang oras umanong naghihintay sa kanyang customer.

 

Sa Facebook post ni Bea Aspiras, sinabi nitong halos isang oras na niyang nakikitang naghihintay ang rider sa kanyang customer habang tirik na tirik ang araw.


Photo credit: Bea Aspiras
Photo credit: Bea Aspiras

Aniya, makikita mo raw sa mukha nito ang pagod ngunit paglabas ng customer ay nakangiti pa rin itong bumati.

Dagdag pa niya, may edad na rin daw ang delivery rider pero maayos pa rin nitong ginagawa ang kanyang trabaho.
Pakiusap ni Bea sana raw ay huwag sasaktan at mumurahin ang mga katulad nila. 
“respeto na lang sa trabaho nila,” sabi ni Bea.

 


Sa ngayon ay umabot na sa 55k reactions at 21k shares ang post ni Bea.


Narito ang buong post ni Bea:

“Nakita ko si Manong rider sa labas ng ganito, almost 1hr din syang naghintay dun sa customer. Honestly, nakaka-awa talaga sila makitang ganito lalo na’t pag nakita mo yung itsura nila na halatang pagod na. Nung lumabas yung Customer, Binati sya ni Manong nang nakangiti. And he’s old na guys but still manage to do his job. Kudos to you Manong,” saad ni Bea.
“Kaya guys, di nila deserve saktan at murahin. They’re patiently waiting for us to get our order’s, yung ibang customer lang talaga walang patience minsan. di po natin alam kung ano lagay nila sa kalsada, respeto na lang sa trabaho nila,” dagdag niya.
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
***

Latest articles

More like this