HomeTrendingDeniece Cornejo, hirap ipataob si Vhong Navarro dahil sa kakulangan ng ebidensya

Deniece Cornejo, hirap ipataob si Vhong Navarro dahil sa kakulangan ng ebidensya

Published on

spot_img



Sa pangatlong beses na pagtatangka ng Ex-Model na si Deniece Cornejo upang kasuhan si Vhong Navarro at mabulok sa kulungan ngunit hindi parin si Deniece nagtagumpay.

Nakaraan lamang ay nabasura ng Department of Justice (DOJ) ang affidavit of complaint ni Deniece Cornejo noong July.

Parang nahihirapan umano si Deniece Cornejo na itaob si Vhong Navarro at tuluyang ipakulong ng pangmatagalan sa Taguig City Jail base parin sa isinampa nitong reklamo kay Vhong na nangyari noong January 17 at 22 sa mismong condominium unit nito last 2014.


Matapos mag-apela si Deniece sa korte ng pangatlong beses, nabigo na naman itong maglatag ng concrete evidences para depensahan ang kanyang sarili laban kay Vhong Navarro.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na pinagbigyan ang bail petition ni Vhong na nagpapahintulot sa kanya na makapagpiyansa ng P1 milyon sa kasong isinampa sa kanya ng ex-model na si Deniece Cornejo.

Ngunit ang alam nga ng publiko, non-bailable o walang piyansa ang nakasaad sawarrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Loralie Cruz-Datahan ng Taguig RTC Branch 69.

Kaya paanong nangyaring nakapagpiyansa si Vhong?



Bagaman marami ang nagbunyi sa pagkakalaya ni Vhong Navarro, marami rin ang hindi napigilan mapatanong kung bakit napagbigyan ng korte ang hiling nitong makapagpiyansa.

Kung matatandaan kasunod lamang ng kanyang pagsuko sa National Bureau of Investigation (NBI) noong September 20 ay agad nagsumite ng petisyon ang kampo ni Vhong para siya ay makapagpiyansa.

Limang bail hearings ang ginanap para suriing mabuti kung nararapat ba na makapagpiyansa si Vhong.

At batay nga sa resulta ng bail hearings, hindi kumbinsido ang korte na “there exists a presumption great leading to the inference of the accused’s guilt.”


Bukod dito, ipinunto rin ng korte na maraming inconsistencies o pabago-bago ang mga testimonya at sanaysay ni Deniece na hindi raw maaaring balewalain ng korte.

Kaya naman sa huli, nagpasya ang korte na payagan si Vhong na makapagpiyansa.

Samantala, nagpasalamat naman ang asawa ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista dahil pinagbigyan ng Korte ang petisyon ni Vhong na makapagpiyansa para pansamantalang makalaya.

“We were granted bail and we’re so thankful,” pahayag ni Tanya Bautista.



Latest articles

More like this