HomeTrendingDennis Padilla, mag-isang nag-celebrate ng bagong taon

Dennis Padilla, mag-isang nag-celebrate ng bagong taon

Published on

spot_img



Mag-isang nag-celebrate ng Bagong Taon ang aktor na si Dennis Padilla.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya nakukuha ang kapatawaran ng kanyang mga anak sa kanyang dating asawa na si Marjorie Barretto.

Noong Pasko ay una nang binati ni Dennis ang kanyang mga anak na sina Julia, Claudia, Leon, at maging ang panganay ni Marjorie na si Dani.


Tila umaasa nga si Dennis na dahil Pasko ay papansin siya ng mga anak.

Nag-post pa siya ng ilang throwback photos kasama ang mga ito.

Ngunit tulad ng mga nakaraan niyang post ay hindi ito pinansin ng kanyang mga anak.

Nitong Bagong Taon nga ay muli na namang nag-post si Dennis kung saan binati niya ng ‘Happy New Year’ sina Julia, Claudia, Leon, at Dani.


Ipinagdasal din ni Dennis na maraming biyaya ang dumating para sa kanyang mga anak ngayong 2023.

Ngunit dinedma pa rin ng kanyang mga anak ang kanyang post.

Ani Dennis, “Happy New Year mga Anak. Praying for more blessings 2023. Labyu all.”

Makikita na masaya namang ipinagdiwang ni Julia at ng kanyang mga kapatid ang Pasko at Bagong Taon kasama si Marjorie.

Dahil dito kaya hindi nga maiwasan ng netizens na malungkot at maawa kay Dennis dahil sa sitwasyon nito na tila nanlilimos ng atensyon, pagmamahal, at kapatawaran mula sa kanyang mga anak.


Ayon pa ilang netizens, huwag sanang hintayin ng mga anak ni Dennis na huli na ang lahat bago nila mapatawad ang kanilang ama.

Komento nila:

“Sobra naawa na ako kay Sir Dennis, yong gagawin lahat para mapansin ng mga anak. Sana maging ok na sila.. at magkapagbonding Kayo”

“Pagsisisihan nio pag nawala ang papa nio promise. Maskit at mahirap mawalan ng ama. Magsisi man kayo huli na. Umiyak man kayo sa harp ng kabaong nia walana rin napaka swerte nyo may papa pa kayo.. kami kasi walana, gusto man namin mabuhay ulit ang papa namin dina pwede.”


“Kawawa nmn sya para syang namamalimos ng pagmamahal s mga anak nya ..grabeng mga anak yan sobra nmn galit nila s kanilang ama.”

“Wish ko lang na mapatawad na nila ang papa nila hindi ung sa huli saka sila magsisi na di nila nilingon ang papa nila..kahit paikutin niyo mundo niyo e ama niyo pa din yan ibigay niyo ang nararapat na pagpapatawad lahat tayo nagkakamali.”

Samantala, hindi lingid sa kaalaman ng marami na ilang taon nang hindi nakakausap o nakakasama ni Dennis ang kanyang mga anak.


Noong nakaraang taon naman ay ilang kontrobersiya ang kinasangkutan ni Dennis laban sa kanyang mga anak.

Kabilang na rito ang pag-alma ni Dennis sa ginawang pagsasalita ni Julia laban sa kanya sa panayam nito sa broadcaster na si Karen Davila.

Sa nasabing panayam ay ibinunyag ni Julia na paulit-ulit silang sinasaktan ni Dennis.


Inamin rin ng aktres na hindi pa siya handang patawarin ang ama dahil natatakot siyang mabigo at masaktan muli nito.

Aniya, “I think it’s not difficult for us to forgive. But it’s difficult to really just… It’s not the forgiveness, it’s to forget. It’s also just, there’s a lot of fear because I don’t know what’s gonna happen. But forgiveness, of course, definitely. That’s for my own peace of mind, ‘di ba? Hindi ko ipagkakait ang forgiveness but I’m just not that ready. There’s just been so much pain over the years since I was young. So parang I got tired of the same thing.”


Gayunpaman, sinabi ni Julia na posible pang magkaayos sila ng kanyang ama.

Aniya, “I think it’s possible. But I do hope though that there’s healing between everyone and na ma-resolve. But I’m not sure if it can ever be the same again. But that’s just the truth. I’m not sure if it can ever be the same again but I do hope for healing and just ma-resolve.”


Latest articles

More like this