HomeTrendingEarly voting sa mga senior, PWD inaprub ng Kamara

Early voting sa mga senior, PWD inaprub ng Kamara

Published on

spot_img



Aprubado na sa Kamara ang panukala para makaboto ng mas maaga ang mga senior citizens, persons with disabilities (PWDs), abugado, at human resources for health.

Ang House Bill 7576 ay nakatanggap ng 259 boto. Walang tumutol dito.

Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagpasa ng panukala.

“By default, senior citizens and PWDs encounter more difficulty in the electoral process. They deserve more assistance in the language of the law and HB No.7576 provides them with this in the form of voting early and separate from the vast majority of Filipinos,” sabi ni Romualdez.


“On the other hand, our lawyers and human resource for health perform duties of great urgency and impact on other citizens. As such, the benefit of early voting for them is both deserved and called for,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng panukala, magsasagawa ng registration ang Commission on Elections (Comelec) para sa mga senior citizen, PWD, abugado, at HR na nais na makaboto ng mas maaga. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)


Latest articles

More like this