HomeTrendingExperto Duda sa nakitang mga buto, na ito nga si Jovelyn Galleno,...

Experto Duda sa nakitang mga buto, na ito nga si Jovelyn Galleno, Dahil 18 days palang itong nawawala

Published on

spot_img


Nanawagan si Councilor Elgin Robert L. Damasco sa mga otoridad na kung maari ay huwag munang sabihin na case close ang nangyari kay Jovelyn Galleno.

Sa kadahilanan lamang na may mga nakuhang ID o Dokumento sa katawan ng isang bangk4y. Na hinihinalang ito ay ang nawawalang dalaga na si Jovelyn Galleno.

Ayon pa kay Councilor Elgin Robert L. Damasco “Antayin po natin ang DNA Test Result, kung totoo nga’ng ito si Jovelyn Galleno Pakiusap huwag muna sa mga otoridad huwag munang sabihin na case close”


Ayon pa sa isang Duktor na si Dr. Eunice Herrera ng Medico Legal Officer ng City Health Department. “kung pin4t4y si Jovelyn noong August 5 ng gabi at nakita ang kalansay kaninang madaling araw o after 18 days, dapat daw nasa state of decomposition pa ang katawan o nasa estado palang ng pagka-agnas, Hindi totally linis ang skeleton,may mga maiiwan pa talaga na bahagi ng laman.”


Ayon naman kay Dr. Fe Atencio, isa pang magaling na doctor ng City Health, ayon sa kanilang napag-aralan,kapag malamig ang panahon lalo na tag-ulan ngayon sa Lungsod, mas matagal ang decomposition ng human body.

“So may mga pagdududa na baka hindi kay Jovelyn ang kalansay na natagpuan. Ayon sa teorya ng isa kung kaibigan na experto din sa criminal investigation, maaaring bahagi ito ng malaking cover-up para mapagtakpan ang totoong salarin o mastermind sa pagkawala ni Jovelyn.”

Dag-dag pa ni Councilor Elgin Robert L. Damasco “So kailangan talaga ng DNA Test, kailangan talaga mga independent forensic expert ang mag-imbestiga. Malalaman nila kung kay Jovelyn ba talaga o hindi ang natagpuang kalansay.”

“So pakiusap, huwag muna sabihing close na ang kaso dahil may natagpuang kalansay. Unang Una wala pang seyentipikong patunay na yan ay kay Jovelyn talaga.”

“Maging mahinahon nalang muna tayo mga kaibigan at Ipanalangin na sana buhay pa nga si Jovelyn Galleno.”

“Pero, nakikita natin ang sinsiridad ng mga otoridad sa paghahanap ng paraan na malutas ang kaso. Kaya lang, pakiusap po, huwag muna magmadali na Isarado ang kaso at itigil na ang pag-iimbestiga.”


 

advertisement


 

Latest articles

More like this