HomeTrendingGaano Kayaman Ang Partner Ni Maja Salvador Na Si Rambo Nunez?

Gaano Kayaman Ang Partner Ni Maja Salvador Na Si Rambo Nunez?

Published on

spot_img



Samu’t-saring emosyon ang naramdaman ng sikat na aktres sa kanilang official engagement noong buwan ng abril. Ngunit tanong ng mga nakararami sino nga ba si Rambo Nunez?

Si Rambo Nunez ay isang famous Filipino businessman, social media influencer, celebrity partner, at isa ring entrepreneur na tubong Cagayan de Oro. Bago paman sila nagkakilala ni maja si Rambo ay isa ng sikat, bilang president ng PopUp Digital PH at President rin ng Forthinker, Inc.


At hindi lang iyon siya rin ay isang politician na party ng PBA party list kung saan sila ang mangangalaga at hahawak sa ating mga kababayan na aspiring na maging atleta.

Relationship timeline:

Dumako naman tayo sa kanilang relationship timeline, Unang nagkakilala si Maja at Rambo sa isang concert ni Sarah Geronimo sa araneta center, sa kanilang unang pagkikita ay nagustohan na nila agad ang isat-isa, subalit taong 2010 ng subukan ng dalawa na magdate, ngunit di kalaunan ay naghiwalay rin sila at mas pinili ng aktres ang kanyang career sa showbiz.

At fast forward natin sa taong 2019, ng magpost si maja Salvador ng isang bulalak na may kasamang letter noong araw ng puso, dinagsa ng intriga ang post niyang ito dahil hindi malinaw sa mga netizens kung sino ang nagbigay sa kanya nito.


At makalipas nga ang ilang buwang espekulasyon ay ibinunyag na nga ng aktres na sila ay muling nagkabalikan ng kanyang dating kasintahan na si Rambo Nunez. Sa kanilang pagbabalikan maraming artista ang nagbigay ng pahayag at paalala na huwag umanong saktan ni Rambo si Maja at dapat alagaan niya ito. At sa kanilang on-going relationship ay dumating na nga sila sa pinaka-inaantay ng lahat ang kanila official engagement.



Sa naganap na proposal ay hindi inakala ng aktres na si Maja Salvador na ang simpleng palaro ng Easter egg hunt ang maging isa sa pinaka memorable day para sa kanya, april 17 nitong taon ng lumuhod at hiningi ni Rambo Nunez ang kamay ni Maja upang pakasalan ito at makasama habang buhay.

Sa Instagram post na ibinahagi ng aktres sa publiko, hindi maipagkakaila ang tunay na kasiyahan sa kanyang mga mata, lalong lalo na sa pamilya nito.

Umani namang ng samu’t-saring mga komento ng mga netizens patungkol sa proposal, marami ang lubos na ikinatuwa ang New chapter of life ni Maja. Marami rin sa kanyang mga kapwa artista ang nagbigay ng pagbati.

Matapos ang masayang pangyayari na iyon sinabi naman ng aktres sa panayam na kahit magkaroon umano siya ng pamilya hindi na mawawala sa puso niya ang showbiz. Maaaring hihinto siya kung magiging buntis umano siya pero hindi niya raw iiwanan ang mundo ng showbiz, kumbaga ang showbiz ay parte ng buhay niya.


Net worth:

Base sa aming pananaliksik si Maja Salvador sa taong 2022 ay may Net worth na halos nagkakahalaga ng 5 million pesos, ito umano ay estimated sa kanyang kita sa showbiz at mga endorsement. At ang kanya namang fiance na TV producer at isang president sa mga kompanya ay may Net worth na halos 20 million pesos.

Bukod sa may mga stable na career ang dalawa may mga kanya-kanya rin silang pimagkukuhanan ng kanilang income.

Talagang inulan ng swerte si Maja hindi lang sa kanyang career at pera kundi sa kanya ring buhay pag-ibig.


Latest articles

More like this