HomeTrendingGINALINGAN! Sikreto ni ate para maging isang board topnotcher, ipinasilip sa kanyang...

GINALINGAN! Sikreto ni ate para maging isang board topnotcher, ipinasilip sa kanyang kwarto by Oliver Natividad on 3:04 AM in Trending

Published on

spot_img


Viral sa social media ang kwarto ni Justine Lei Ramos, isang board topnotcher ng Architecture Licensure Examination dahil punong-puno ito ng notes at manila paper na nakadikit sa pader.

Humanga ang mga netizens dahil sa kanyang pagsusumikap ay mayroon magandang bunga ang kanyang paghihirap.

Ipinost ng isang proud kapatid na si Sean Martee ang kwarto ni Justine sa kanyang Facebook account at kaagad naman itong inulan ng magagandang papuri galing sa mga netizens.

Makikita sa mga larawan na punong-puno ng bond paper at manila paper na nakadikit sa pader at pinto ng kwarto ni Justine.

Talaga namang pinaghandaan ni Justine ang kanilang nalalapit na pagsusulit upang makapasa sa kanyang Architecture Licensure Examination. Kahanga-hanga at nagbunga ng maganda ang kanyang ginawang effort.

Larawan mula sa Philippine Star


Larawan mula sa Philippine Star
Larawan mula sa Philippine Star
Larawan mula sa Philippine Star
Larawan mula sa Philippine Star
Larawan mula sa Philippine Star


Larawan mula sa Philippine Star
Ayon kay Sean Martee, gusto lamang nito ibahagi ang naging paghihirap ng kanyang kapatid na si Justine bago maabot ang tagumpay bilang isang board topnotcher ng Architecture Licensure Examination.
“Gusto ko lang po ipakita kung gaano po niya pinaghirapan ang pag-prepare sa board exam niya. Gusto ko din po ipakita sa mga tao na anything is possible po kung mag focus lang po and work hard. And para ma-inspire po ung mga kumukuha din po ng exam,” ayon sa kapatid ni Justine.
Marami naman natanggap na komento ni Justine mula sa mga netizens na natuwa sa paghihirap ni niya para pagtagumapayan ang pagiging board topnotcher.
Larawan mula sa Philippine Star

***


Latest articles

More like this