HomeTrendingGrab tuloy ligaya sa surge fee, overcharging

Grab tuloy ligaya sa surge fee, overcharging

Published on

spot_img



Ipinagpaliban ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagdinig sa reklamo ng overcharging at 24 oras na surge fee laban sa Grab Philippines matapos na hindi dumalo ang mga opisyal sa pagdinig nitong Martes, Disyembre 13.

Hindi nakadalo ang mga opisyal dahil na-expose raw sila sa COVID-19 kaya nagdesisyon ang LTFRB na i-reset ang hearing sa Enero 10, 2023.




Dismayado naman ang grupo ng commuter sa pag-reset ng hearing dahil na¬ngangahulugan ito na tuloy-tuloy ang paniningil ng hindi makatarungang surge fee at overcharging lalo na ngayong Kapaskuhan.

Itinutulak ni Atty. Ariel Inton, presidente ng lawyers for commuter safety and protection, na dapat maningil lamang ang Grab ng surge fee kapag rush hour at hindi kahit patay na oras.

“Nakakalungkot,” sambit ni Inton matapos makansela ang hearing kahapon.


“Wala pa rin tayong parameters kung kailan dapat mag-surge kasi wala pang desis¬yon (ang LTFRB),” dagdag pa niya.

Isa pa sa nirereklamo ng grupo ay ang paniningil ng Grab ng P85 minimum fare gayung ang inaprubahan lamang ng LTFRB ay P45.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)



Latest articles

More like this