HomeTrendingGuro, Hinangaan Matapos Alagaan Ang Anak ng Kanyang Estudyante Habang Nag-eexam Ito!

Guro, Hinangaan Matapos Alagaan Ang Anak ng Kanyang Estudyante Habang Nag-eexam Ito!

Published on

spot_img



Nasasangkot man sa mga iilang kontrobersiya ang mga Guro, hindi parin matatawaran ang kanilang angking kabutihan at pagmamalasakit sa kanilang mga tinuturuang estudyante.

Kaya naman sila’y tinaguriang pangalawang magulang dahil isa sila sa may responsibilidad upang tulungan ang mga magulang na hubugin ang angking kakayahan at kaalaman ng mga mag-aaral.


Naging instant baby sitter ang isang teacher sa grade 12 sa Butuan City. ‘Yan ay matapos niyang mag-volunteer na alagaan muna ang anak ng kanyang estudyanteng kailangan mag-quiz!

Sa mga litratong inupload ni Teacher Clariz Jane Lasala, makikitang karga-karga niya ang sanggol sa loob ng classroom, habang nagte-test ang kanyang mga estudyante. Tinulungan din siya ng isa niyang kasamang teacher.



Ayon kay Teacher Clariz, nag-e-excuse ang ina ng sanggol na hindi makakapag-quiz dahil walang magbabantay sa bata. Nag-volunteer daw siyang mag-alaga para maipakita ang suporta sa kanyang estudyante na patuloy pa ring nagsisikap sa pag-aaral.


Latest articles

More like this