HomeTrendingHanggang sa huling sandali ng kanyang buhay, Isang dakilang guro inasikaso ang...

Hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay, Isang dakilang guro inasikaso ang grado ng kanyang mga estudyante

Published on

spot_img



Ang pagiging isang guro, ang propesyon na maituturing natin na may pinakamalaking ambag sa ating lipunan. Ito ay dahil kung wala ang ating mga guro, ay walang enhinyero, doktor, nars, arkitekto, o kung ano pa mang matataas na propesyon, na kinakailangan ng matibay na pundasyon ng edukasyon.

Tunay ngang ang dedikasyon na ibinibigay ng isang guro, para makapagbigay maayos na edukasyon sa kanyang mga mag-aaral, ay punong-puno ng sakripisyo. Dahil sa mas mahaba ang ibinibigay nilang oras sa kanilang trabaho, at maging pagdating sa bahay, imbis na pamilya ang aatupagin, ay uunahin munang gawin ang mga paperworks, o iba pang naiwang


Gawain na hindi natapos sa paaralan. Samantala, kamakailan nga lamang ay isang anak, ang nagbigay pugay sa kanyang ama na isang guro, ito ay dahil sa pinatunayan ng kanyang ama, kung gaano kalaki ang dedikasyon nito sa kanyang propesyon, at kahit sa huling sandali ng buhay nito, ay ang pagiging isang guro pa rin niya ang kanyang pinairal.

Kamakailan nga lamang, ay binigyang pagpupugay ni Sandra Venegas, ang kanyang amang si Sir Alejandro Navarro sa social media. Ayon nga kay Sandra, sa huling sandali ng buhay ng kanyang ama, ay pinairal at ipinakita pa rin nito ang pagiging isang guro.

 



“This is my dad Alejandro Navarro, the day before he passed away, worried about finalizing
grades for progress reports. “He knew he was going to the ER s0 he packed his laptop and charger so he could enter them. Doctors were coming in to see him. They were running tests, they were telling him he needed to decide what he wanted in the event that his heart stopped. CPR and intubation or to go in
peace. He’d answer their questions and resume with grades”, ang naging pagbabahagi nga ni Sandra.

Ayon pa nga kay Sandra, araw ng Lunes ng huli niyang makita ang kanyang ama, at ng mga sandaling umano na iyon, ay abala ito, na nakatutok sa kanyang laptop, at nag-eencode ng grades ng mag-aaral nito. Kung alam lang umano nito, na iyon na ang huling sandali na makikita niya ang kanyang ama, ay ginawa niya sanang isara ang laptop nito, upang nasulit niya ang mga sandali na ito’y makasama pa.


Pagpapatuloy nga ni Sandra, hindi nga naman biro ang oras na iginugugol ng ating mga guro, upang magampanan ng maayos ang kanilang propesyon, at kahit pa may p@ndemy@ ay tuloy pa rin ang pagbibigay serbisyo nila sa bawat mag-aaral. Nagbigay payo rin si Sandra, sa mga mayroong kapamilyang guro, na tulungan ang mga ito na mag-set ng boundaries, at huwag hayaan na trabahuin pa pag dating sa bahay ang mga school- related works.

 

advertisement


 

Latest articles

More like this