HomeTrendingImahe ng birheng Maria sa Cebu City, Nakitaang Lumuluha umano ng dugo...

Imahe ng birheng Maria sa Cebu City, Nakitaang Lumuluha umano ng dugo at tubig

Published on

spot_img



Ilang beses na umanong nasaksihan ng mga deboto ang pagluha ng dugo o tubig ng isang imahen ng Mahal na Birheng Maria sa Cebu. Ang mga nakasaksi, pinalad umano sa buhay.

Sa kuwentong “Dapat Alam Mo” ni Marisol Abdurahman, sinabing makikita ang nabanggit na imahe ng Lady of Lindogon sa Simala shire sa Sibonga, Cebu.


Taong 1998 umano nang unang nakitang lumuha ang imahe.Walang makapagsabi kung tuwing kailan lumuluha ang imahe kaya masuwerte raw ang nakaksaksi nito. Nito lang nakaraang Hulyo, ibiniyahe ang imahe papuntang Negros Occidental. At sa unang gabi pa lang daw sa parokya kung saan ito dinala, lumuha na ang imahe.


Kinunan ng larawan ang pagluha ng imahe at ipinakita ito kay Fr. Larry Martinez. Hindi man niya nasaksihan pagluha, sapat na ang larawan para maging emosyonal ang pari.


“Maraming pumasok sa isip ko. Ano talaga ang mensahe na nais ipaabot sa amin. Kasi first time ito,” sabi ni Fr. Matinez na niniwala na may hatid na biyaya sa kaniyang parokya ang nangyari. Ang isang nagbabantay sa imahe na nakasaksi umano sa pagluha nito, ikinuwento ang mga pagbabagong nangyari sa kaniyang buhay. Panoorin ang buong kuwento sa video.


Latest articles

More like this