Home Trending Imbes na ”Foam”, sandamakmak na Diaper at Napkin ang naging laman ng...

Imbes na ”Foam”, sandamakmak na Diaper at Napkin ang naging laman ng nabiling kutson sa Negros Oriental

0
97


Imbes na foam, sandamakmak na diaper at napkin pala ang laman ng kutson na nabili kamakailan ng isang residente ng Negros Oriental.

Sa isang Facebook, isinapubliko ni Metch ang mga larawan ng loob ng kaniyang kutson na nabili niya sa isang naglalako.

Ayon sa kaniyang kwento, nakumbinsi raw siyang bilhin ang kutson mula sa naglalako ay dahil napakalambot daw nito ng ito ay subukan niya.



Makaraan lamang daw ang ilang araw niya ng paggamit ay bigla na lamang daw itong numipis, kaya tinignan na niya ito.

Laking gulat niya ng makitang puro diaper at mga napkin pala ang nakapalaman sa kaniyang kutson.

“Ang sulod diay sa iyong gi baligya kay pampers nya napkin mao diayg humok kaayo kay abi namog kutson pero unsa man tawon ni?” ani ni Metch.



Naniniwala naman si Metch na kakarmahin ang nagtitinda nito dahil wala umano itong konsensya.

“Gaba ray amo nagbayad mig tarung sa inyo nya inani diay ang sulod. Wa man lng mo na konsenya nga daghan mog gi bligyaan ani nya pampers ray sulod?” dagdag pa niya.

May payo naman ang uploader na si Metch sa mga netizen: “Maong sunod mag amping nata sa mga suroy nga katre!”


NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here