HomeTrendingImbis na makamura ay napamura ang isang ginang dahil sa mala-"Angry Birds"...

Imbis na makamura ay napamura ang isang ginang dahil sa mala-“Angry Birds” na nangyari sa kanyang kilay.

Published on

spot_img
Dumarami na nga ang mga proseso at mga paraan upang mapaganda o mabago ang itsura at pisikal na katangian ng isang tao lalo na pagdating sa mukha.
Hindi lang mga artista kundi kahit simpleng mamamayan na gustong mag mukhang bata ay tila hindi na alitana ang presyo kahit pa sobrang mahal ng mga bayad para sa pagpapaganda.

 

Mula ulo hanggang paa, lahat yan merong paraan para maging kaakit-akit sa paningin ng madla.
Pero meron din namang mga nag-aalok ng murang presyo kapalit ng kanilang serbisyo, kaya naman isang babae sa Davao ang naenganyong magpa-eyebrow tattoo sa halagang P500 daang piso.
Bushy at thick eyebrows, yan kasi ang uso ngayon. Malakas nga naman daw ang dating kapag makapal ang iyong kilay.
Bea Valiente | Facebook

 

Bea Valiente | Facebook

 

Ngunit imbis na makamura ay napamura ang ginang na si Bea sa naging resulta. Bukod sa hindi pantay ay sumobra daw sa kapal ang kilay na iginuhit sa kanyang mukha.
Agad na kinausap nito ang gumawa ng kilay tungkol sa kinalabasan ng kanyang tattoo, paliwanag naman nito ay hindi pa raw kasi tuluyang naghihilom ito kaya pinayuhan siya na ipagpatuloy lang ang paglagay ng Petroleum Jelly.
Bea Valiente | Facebook

 

Bea Valiente | Facebook

 

Sinunod naman niya ang mga payong ito pero makalipas ang ilang araw ay wala pa ring pagbabago sa kanyang kilay.
Laking pagsisisi nito dahil imbis na gumanda ay pinanghinaan na siya ng loob at tuluyang nawala ang kanyang kumpyansa sa kinalabasan ng kanyang pangarap na kilay.
Dagdag pa rito ang pag “block” sa kanya ng nag tattoo sa kanya kaya lalo tuloy hindi na niya malaman kung ano ang kanyang gagawin.
Bea Valiente | Facebook

 

Bea Valiente | Facebook

 

Kaya minabuti na nito na ipaayos ang kanyang kilay sa mga lehitimong beauty therapist at matapos ang mabusising proseso ay nagawan pa ito ng paraan.
Lubos naman ang pasasalamat ni Bea dahil matapos umano siyang pag-praktisan ay nakamit din nito ang pinakaaasam niyang kilay.
Desidido rin itong ireklamo ang panlolokong ginawa sa kanya ng tinukoy nitong tattoo artist na si Glemar James.
Bea Valiente | Facebook

 

Bea Valiente | Facebook

Latest articles

More like this