HomeTrendingIna, hindi natiis ang anak na nahihirapan sa trabaho, tinulungang magligpit ng...

Ina, hindi natiis ang anak na nahihirapan sa trabaho, tinulungang magligpit ng lamesa sa isang fastfood

Published on

spot_img



Ang mga ina ay nagsisilbing isang ilaw ng tahanan at palaging nariyan saating tabi kung tayo man ay masaya, malungkot o naguguluhan sa desisyon sa ating buhay.

Ang ina rin ang nagbibigay payo at umaalalay sa bawat miyembro ng pamilya ganun na rin ang paghubog nito sa mga anak upang maging mabuting tao.

Hindi rin naman biro ang pagiging isang ina dahil sa oras na nagkaroon ka na ng mga anak ay resposibilidad mo na ito hanggang sa matapos silang mag-aral.

Kahanga-hanga ang mga katangian ng isang ina dahil gagawin nila ang lahat ng kanilang makakakaya maalagaan lamang ng mabuti ang kanilang mga anak at walang makakapantay sa sakripisyo nilang ito.


Larawan mula kay Rubie Lyn Mendoza

 

Larawan mula kay Rubie Lyn Mendoza


Tulad na lamang ng post na larawan ng isang netizen na si Rubie Lyn Mendoza, kung saan isang ina na nag-ngangalang Emilia ang kinaantigan ng puso at inulan ng mga positibong reaksyon mula sa mga netizens.

Makikita kasi sa mga larawan na ibinahagi ni Rubie na tinutulungan ng isang nanay ang kanyang service crew na anak sa pagliligpit ng pinagkainan ng mga customer sa isang kilalang fastfood.

Marahil ay nakita ni nanay Emilia na nahihirapan ang kanyang anak na si John sa pagliligpit ng mga pinagkainan sa lamesa kung kaya naman hindi nagdalawang isip si nanay Emilia na tulungan ang kanyang mahal na anak.

Ayon sa post, kumain ito sa pinagtatrabahuhan ng kanyang anak para dalawin o makita ito, ngunit nakita nya ang anak na pagod na pagod na at natataranta sa kanyang ginagawa, kaya napaluha nalang ang isang ina at nagkusang ligpitin ang mga ibang nakakalat na pinag iwanang plato, sabi pa nito na, “lagi ko po syang napag iinitan sa bahay, diko alam na sobra pala ang sakripisyong ginagawa nya dito makakain lang kami”

Larawan mula kay Rubie Lyn Mendoza

 

Larawan mula kay Rubie Lyn Mendoza


Napansin ni Nanay Emilia na masyadong abala ang kanyang anak na si John sa pagliligpit ng lamesa at sa hindi inaasahan ay biglang tumulong si nanay sa trabaho ng anak.

Sadya ngang nakakataba ng puso ang ginawang ito ni nanay Emilia.

Tunay ngang mapagmahal sa kanyang mga anak si nanay dahil ayaw nitong nakikitang nahihirapan ang kanyang mga mahal sa buhay.

Napaka-swerte ng mga anak ni nanay Emilia dahil mayroon silang mapagmahal at napaka matulungin na ina.

***


Latest articles

More like this