HomeTrending"Ipon Challenge" Ng Isang Pamilya Halos Mapuno Ang Dalawang Kama Sa Sobrang...

“Ipon Challenge” Ng Isang Pamilya Halos Mapuno Ang Dalawang Kama Sa Sobrang Daming Pera.

Published on

spot_img



Sa panahon ngayon, ang karamihan sa mga tao ay labis na gumagastos sa kahit na anong mga bagay, mamahaling damit, sobra sobrang pagkain at kung ano ano pa. Isang netizen ang nagbahagi ng kanilang ipon challenge, siya si Abby Sarmiento Mendoza.

Ibinahagi niya sa publiko ang ipon ng kanilang buong pamilya, at maraming mga netizen ang namangha sa kanilang pag-iimpok.



Sa dami nga naman ng gastusin at mahal ng bilihin sa pang araw-araw nating buhay ay sino ba naman ang hindi mamamangha sa pagtitipid ng pamilyang ito,isang malaking kahon na tila gawa sa salamin kung saan makikita ang nasa loob nito, ang napagdesisyonang gawing alkasnya ng pamilya.


Hindi katulad ng tradisyonal na mga lata o “piggy bank”napagpasyahan ni Abby na gumamit ng isang malaking lagayan na gawa sa kwadradong salamin upang maenganyo ang kanyang mga anak na mag-ipon at magsumikap na makatipid sa pera dahil makikita nila ang kanilang iniipon sa araw-araw.


Pagkalipas ng isang taon, binuksan ng pamilya ang kahon na naglalaman ng malaking halaga ng pera at laking gulat ng mga ito ng mapuno ang halos dalawang kama matapos ibuhos ang lahat ng perang naipon nila dito.


Ang mga larawang ibinahagi ni Abby ay mabilis na nag-viral sa social media, kung kaya’t maraming mga netizen ang nais na gumaya sa “Ipon Challenge” tulad ng ginawa ng pamilya Abby.


Pag-iipon ay pagpapakita ng isang magandang kaugalian na kung saan ay naipapamalas ng isang tao ang kanilang pagkakaroon ng disiplina at pagtitipid sa pera.


Ayon naman sa datos na naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas, mayroong kabuuang bilang na 48% sa mga Pilipino ang nagagawang makapagipon, subalit 9% lang sa mga ito ang nagdedeposito sa bangko.


Dahilan para hikayatin ang mga ito na magimpok sa bangko at mag “invest” imbes na magipon ng malaking halaga sa kani-kanilang mga tahanan.


Latest articles

More like this